“Ang butihing Pinoy ay ngiti ng Diyos sa lupa.”

IgCo 100% Natural Colostrum Skim Milk

IgCo 100% Natural Colostrum Skim Milk
Experience the health benefits! Now available in the Philippines

Bitamina para sa utak.

Nabasa na ba nyo ang motto ng UNESCO? Ayon sa kanyang conviction, "ang mga digmaan ay nag-uugat mula sa isipan ng tao." Kaya nga, para kamtin ang kapayapaan, kailangang bigyan ng spiritual vitamin ang isipan ng tao. At ito ang ginawa ni Konrad Adenauer ng Germany at ni Presidente de Gaulle ng France. Dahil napansin nila na lagi na lang silang parang aso't pusa for centuries, ang isa sa mga effective na solusyon nila ay ang i-revise ang kanilang history textbooks. Tinanggal ang hate-campaign. At yaon ang isa sa mga naging ugat ng pagkakaisa ng Europa (European Union). Kaya nga, kung gusto nyo ng kapayapaan sa bahay, kung inaakala nyo na ang solusyon ay ang laging kulitin at kutkutin ang bahaw na sugat o ang mag-quote mula sa "history textbook ng ligaw at reckless nyong kahapon" nagkakamali kayo. Paglalaruan lang kayo ng demonyo. Syanga naman.

1 comments:

Anonymous said...

May nabasa ako sa bookmark na ipinagbebenta sa Christian Bookstore (or St. Paul's), "If the devil reminds you of your past, remind him of his future..." Wala lang.