“Ang butihing Pinoy ay ngiti ng Diyos sa lupa.”

IgCo 100% Natural Colostrum Skim Milk

IgCo 100% Natural Colostrum Skim Milk
Experience the health benefits! Now available in the Philippines

Gamot sa puting buhok.

Alam ba ninyo kung ano ang gamot sa tinutukoy kong problema sa puting buhok? Uyyy, interesado sila. Bweno, una, kung nearsighted kayo, para mawala ang puting buhok ninyo ay magsalamin kayo dalawang metro ang layo mula sa salamin. Mas-okey kung three meters away. Tapos, tanggalin ninyo ang inyong salamin sa mata. Result: garantisado, wala kayong makikitang puting buhok. Kitam? (See?). Pangalawa: Ang gamitin nyo ay ang matapang na shampoo. Pagkatapos ng anim na buwan, wala na kayong puting buhok. Makintab na ulo na lang ang natitira. Pangatlo, palitan na ninyo ang inyong working principle, that is, kung dumadami ang puti nyong buhok o kaya nakakalbo kayo, i-adopt ninyo bilang prinsipyo ang pilosopiyang ito: "What matters is not what is outside your head but what is inside." Pang-apat, bilang pinaka-garantisadong walang palpak na solusyon para di nyo problemahin ang putting buhok, lumagay na lang kayo sa inyong kinalalagyan. Huwag dayain ang inyong sarili. Kahit pa tinain nyo ang inyong buhok, halata rin naman sa kulubot ng inyong mukha at sa dami ng tabletas na inyong iniinom. Opppps, sorry po sa mga kaibigan kong plastic surgeons na sikat din sa hair transplant. Pasensya na po Dr. Jesse Corres. Wala po akong intensyon na pahinain ang inyong clientele. Trabaho lang po ito ng pari. Oo nga naman.

1 comments:

Anonymous said...

Hindi ito tungkol sa buhok. Naalala ko lang ang nabasa ko tungkol sa knowledge (dahil ang buhok ay nasa ulo kaya siguro naalala ko ito). Sabi nila ang kaalaman (knowledge) raw ay parang underwear. Kahit suot mo ito (ang underwear) ay hindi mo ito ibinabandera. Wala lang.