Siguro, miss na miss nyo ang mga pagkaing pinoy di lang sapagkat ito ang nakasanayan ng inyong panlasa. Ang isa pang malaking dahilan ay ang ating "rootedness". Halimbawa, pustahan tayo at kung mangyari lang na umalwan ang buhay sa Pilipinas, marami sa inyo ang raragasa na lumantak ng pauwi, di ba? Sigurado, marami sa inyo ang doon magri-retiro. Ang dahilan ay sapagkat totoo ang rootedness ng ating pag-iral (existence). Kaya nga, magtataka kayo, dahil sa "rootedness" kahit patak ng ulan, para sa iba, ay may kakabit na ala-ala. Kahit amoy ng sinusunog na tinabas na damo o kaya, ang lumang awitin o amoy ng isang uri ng pabango. Lahat sila ay may dulot sa ating personal na ala-ala. Ang rootedness ng ating pagkatao ang dahilan kung bakit kapag gumagawa tayo ng kabulastugan, hindi tayo mapakale kahit puno ang ating bulsa o kaya'y bundat ang ating tiyan. Di tayo tunay na masaya dahil nilalang tayong kawangis Niya. Tayo'y isinilang para sa Kanya. Naka-ugat ang ating existence (pag-iral) sa kanya. At ang kalungkutan sa gitna ng kasaganaan bunga ng kawalan ng relasyon sa Diyos ay tinatawag na "alienation". Syanga naman pala.
“Ang butihing Pinoy ay ngiti ng Diyos sa lupa.”
IgCo 100% Natural Colostrum Skim Milk
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment