“Ang butihing Pinoy ay ngiti ng Diyos sa lupa.”

IgCo 100% Natural Colostrum Skim Milk

IgCo 100% Natural Colostrum Skim Milk
Experience the health benefits! Now available in the Philippines

Syanga Naman, Oktubre 2008

Hindi nga kaya nila alam ito? Nagtataka ako at marami pang nag-iinvoke ng Malthusian Theory na nagsasabing "ang pagdami ng tao sa isang bansa ay nagdadala ng kahirapan." Di pa yata ito alam ng makikisig nating mga congressmen at ng mga kasapi nilang manunulat at broadcasters. O baka ayaw lang nila sabihin na napabulaanan na ang Malthusian Theory scientifically ni Julian Simon sa United Nations mismo. Ewan ko ba kung bakit hindi nila masabi na, sa totoo lang, "ang katiwalian (corruption), ang di malinis na pamamahala ang tunay na pigsa ng kahirapan." Kaya nga, saludo naman ako sa sinabi ni Grand Knight Carl Anderson, ng Knights of Columbus, na ang kahirapan ay dulot ng saloobin na "merong buhay na mas-mahalaga kaysa buhay ng iba…" Halimbawa, meron daw buhay na mas importante kaysa mga nasa sinapupunan pa dahil wala pa raw siyam na buwan. Syanga naman.

***

Hindi yata nila alam. Noong kasagsagan ng isyu tungkol sa reproductive health bill, maraming nagte-text sa mga broadcasters. Bakit pati raw itong RH (reproductive health) ay pinakikialaman ng Simbahan. Wala naman daw karanasan ang mga pari. Well, hindi po yata nila alam na ang mga pari ay nag-eecho lamang ng karunungan ng Simbahan na nakuha through the centuries. Hindi yata nila alam na ang Vatican ay may Pontifical Academy of Sciences na binubuo ng mga social scientists at iba pang uri ng experts sa agham. Actually, hindi sila lahat katoliko. Pero bilang experts nagkakaisa sila sa vision ng Simbahan na ipagtatanggol ang buhay at maisulong ang development with a human face (sustainable development). At hindi lang iyon. Hindi yata nila alam na bukod sa Pontifical Academy of Sciences na ito ay napakaraming layko mula sa Catholic Universities, kahit sa mga State Universities, na nag-aalay ng kanilang expertise para mapangalagaan ang
daigdig. Syanga naman.

***

Setting the record straight. Tungkol pa rin sa isyu ng reproductive health bill, sinabi ng Lubhang Kgg. Edcel Lagman na ito daw "reproductive health ay boses at kagustuhan ng buong United Nations." Hindi po ito totoo. Marami pa pong bansa na lumalaban dito hanggang ngayon. Dati po kasi akong miyembro ng Holy See delegation sa United Nations sa New York (Sept 2002- July 2007) at walang sawa pong ipinapaliwanag sa pwersa ng European Union, ilang bansa sa Latin America at African Union, Canada at iba pang Commonwealth Nations ng United Kingdom ang side ng Simbahan.

Maganda rin po natin malaman na ang UN po ay hindi isang Congress ng isang Super State na kayang ipapakulong ang hindi bumoto sa napagkasunduan nilang resolution o declaration. Ang bawat bansa ay nananatiling may kanyang sovereignty. Walang police power ang UN para parusahan ang Holy See , El Salvador , Poland , Ireland , atbp na hindi pabor sa corrupt concept ng "reproductive health", lalo na ng mas-corrupt na ibig nilang sabihin sa "reproductive rights". Dapat ding malaman na ang USA (Bush administration) ay laging supportive sa Holy See laban sa ganitong isyu. Sa katunayan, ang Ambassador ngayon ng USA sa Holy See ( Vatican ) ay si Mary Ann Glendon, dating professor ng Harvard, atpb. Sa katunayan din po, si Mary Ann Glendon ang dating Presidente ng Pontifical Academy of Sciences ng Holy See. At kaya nga siya binigyan ng ganitong posisyon sa Vatican kahit isa siyang babae ay sapagkat siya ang namuno sa Holy See Delegation noong 1995 sa Beijing para ipaglaban ang mga kababaihan. At si Mrs. Glendon ang naging utak kung bakit nabigo ang mga pro-RH bill na country delegations at NGOs gaya ng International Planned Parenthood, Catholics for "Free Choice" at iba pa na mai-adopt ang extreme interpretation ng reproductive health doon sa Beijing, ganon din sa Cairo at sa iba't-iba pang resolutions sa New York at sa Geneva. Dapat ring malaman na kung bumoto man ang ibang bansa sa mga resolutions, gaya ng Holy See, bumuboto sila "with reservation". Ibig sabihin, bumoto po sila sa several pages na resolution o declaration in the spirit of compromise, pero lagi nilang nililinaw bago magbotohan o pagkatapos ng botohan na hindi sila pabor sa ibig sabihing ipakahulugan ng like-minded countries tungkol sa "reproductive health" na nagsusulong ng promosyon ng contraception at abortion. Syanga naman.

***

Pusa na nainggit sa daga. Dumako po tayo sa Banal na Kasulatan. Upang mareporma ni Kristo ang kapalaluan (self-righteousness) ng mga eskriba at pariseo, ikinuwento niya yaong pagkagalit ng maiinggiting trabahador na nagsimulang magtrabaho simula nang 6am (Mt.20:1-6). Sinabi ng 6am worker na hindi makatarungan ang may ari ng ubasan dahil ang nagtrabaho noong 5pm ay tumanggap din ng isang denaryo, kagaya niya na nagtrabaho nang mas-matagal sa ilalim ng pumipitik na init ng araw. Pero sinabi sa kanya ng may ari ng ubasan na wala siyang sinirang kasunduan (breach of contract). Sa katunayan, bago nagpunta ang mga trabahador sa ubasan, pumayag sila sa kanya na ang sweldo nilang tatanggapin ay isang denaryo lamang. Sa tingin ko, sagad na sa buto ang pagka-inggitero ng 6am worker. Bakit? Kasi, kinainggitan niya pati ang taong hindi dapat kainggitan, gaya ng payatot na 5pm labourer na kaya nga walang kumuha sa kanya. Papatay-patay na, kinainggitan pa.

Kainaman na! Para siyang pusa na nainggit sa daga. Syanga naman.

***

Ang ikatlong anak. Tungkol sa isa pang talinhaga laban sa mga eskriba at pariseo (Mt. 21:28-32), mas-magaling pa daw yaong panganay na anak. Bagama't sininghalan niya ang kanyang ama at nagsabi na hindi siya pupunta sa ubasan, nagbago naman siya ng isip at sinunod ang pakiusap ng kanyang ama. Di raw katulad ng anak na nagsabi ng "yes", subalit hindi naman isinakatuparan ang kanyang pangako. Heto naman ang pangaral ni Padre Bel San Luis, svd, sa TV Mass: Parehong may depekto ang dalawang magkapatid kaya iniri-rekomenda na lang niya na ang gayahin natin ay ang "ikatlong anak". Siya yaong bukod sa nagsabi ng "yes" ay pinangatawanan pa ang kanyang pangako. Ang inimbento ni Padre San Luis na "ikatlong anak" ay gaya ng imbento ko ring kasabihan: Kung "Action speaks louder than words" ang imbento ko namang kasabihan ay ito: "Words with action speak the loudest." Di ba? Syanga naman.

***

Ang modernong pariseo. Nang panahon ni Jesus medyo iba ang depekto ng mga pariseo: Hindi nila ginagawa ang kanilang ipinapangaral. Iyan ang lumang pariseo. Ngayong malapit na ang 2009, meron nang modernong pariseo. Sila yaong mga magaling mangaral subalit hindi naman pinaniniwalaan ang kanilang mga ipinapangaral. Syanga naman.

***

Ang kabarkada ng kasalanan. Kalimitan, ang kasalanan ay may kasunod na kaparusahan. Bakit? Kasi ang kasalanan ay hindi lang pagsuway sa isang batas. Ang kasalanan ay pagsira din o violation ng kalikasan (nature) ng tao bilang kawangis ng Diyos. Ang bisyo ay may kakabit o kasunod nang "kaparusahan". Halimbawa na lang, kung ang kinakape mo sa umaga ay lapad o cuatro cantos, asahan mong nakangiti na sa iyo si Kamatayan. Kung kinakalbo mo ang mga bundok at gubat, at kung pinababayaan ang mga dagat at ilog, babalikwasan ka ng mga ito dahil nawawala ang equilibrium at balance ng kalikasan. Ganito rin ang iyong tricycle o kotse. Aalagaan ka nito kung aalagaan mo rin siya. Hindi ka niya ititirik. Kaya nga, dahil sa pinaglaruan ng Europa ang kalikasan sa porma ng reproductive health, irreversible na ngayon ang pagbulusok ng populasyon lalo na sa Espanya at Italya. Bakit? Dahil ang kabarkada ng reproductive health ay ang contraceptive mentality, ang abortion at divorce mentality. Syanga naman.

***

Kung ikaw ay may pautang na magaling. Nang magsimula nang bumaba sina Jesus mula Galilea patungong Jerusalem upang harapin ang kamatayan sa Bundok ng Kalbaryo, nagalit sina Pedro at Juan sa mga taga-Samaria. Marahil, sa tindi ng galit sa mga tulisan na taga-Samaria, natukso sina Juan na dasalin sa Diyos na paulanan ng apoy ang Samaria . Sinumbatan na lang sila ni Jesus at sinabing hindi nila nalalaman ang kanilang sinasabi. Dahil sa pagiging considerate ni Jesus sa mga Samaritano, alam ba ninyo ang naging kapalit? Ang mga Samaritano mismo ang naging takbuhan ng mga Kristiyano nang ang huli ay inusig doon sa Jerusalem . Totoo nga ang sinasabi ni Santa Teresita na "ang tanging bunga ng pag-ibig ay pag-ibig rin." Syanga naman.

***

Pulpito sa banig ng karamdaman. Sinabi ng demonyo sa Diyos na madali ang magpakabanal kung ikaw ay mayaman. Kaya nga, nakipagpustahan siya sa Diyos na kung aalisan ng yaman si Job ay susumpain ni Job ang Diyos. Bilang pagsubok, ninakaw ng mga Sabeans ang mga baka ni Job at pinagpapatay pati ang mga pastol. Ganon din ang ginawa ng mga Kaldeo sa mga tupa at kamelyo ni Job. Ang matindi pa nito, tinamaan ng kidlat ang bahay ng kanyang anak, kasama ng kanyang pamilya. Samakatwid, bukod sa yaman ni Job, pati na ang kanyang kinabukasan ay kagyat na naglaho. At dumating nga sa puntos na halos bumigay na si Job. Tumangis siya at nagtanong kung bakit pa siya isinilang. Wala naman daw siyang ginawang kasalanan sa harap ng tao at ng Diyos eh kung bakit ganito raw kasidhi ang kanyang pagsubok. Ang maganda kay Job ay hindi niya narating ang puntos na laitin at kamuhian ang Diyos. Naipakita niya na kahit ang mga taong matuwid ay dumaraan sa dusa upang tumibay ang kanilang mga buto at maging larawan sila ng kagitingan para sa Diyos. Dahil dito, kahit pasyente ay pwedeng mangaral at makapaglingkod sa isang doktor at kapwa pasyente sa pamamagitan ng kanyang banal na pagdadala ng krus ng karamdaman. Bukod sa proklamasyon, ito ay isa na ring uri ng aktibong paglilingkod. Syanga naman.

1 comments:

Unknown said...

Magandang araw Audience. Ako Mr Osborn Frank mula sa Canada, i nais na gamitin ang mahusay na daluyan upang ipahayag na ito tagapagpahiram Mr David Peterson sino ang tunay na ipinadala ng Diyos upang ang aking pamilya. Ilang buwan bumalik ako ay sa paghahanap ng isang pautang form na ang Internet kung saan ako ay scammed ng $ 5,000.00, hindi kailanman i naisip i ay kailanman mag-aplay para sa isang utang sa Internet muli bago i natutugunan ng isang post tungkol sa mga ito tagapagpahiram na ginawa ng isa Mrs Cristine Cooper na nagsasabi siya Nakakuha rin ng pautang mula sa kanya, at pagkatapos ay i kinuha ng isang subukan muli, pagkatapos loan processing i ay hilingin na magbigay ng aking mga detalye ng pagbabangko na i ginawa, at sa aking pinakamalaking sorpresa i ay ipinagkaloob ng isang loan ng $ 45,000.00 sa akala ko una ito ay isang joke hanggang i nakuha sa bangko upang kumpirmahin at ito ay totoo, ako ay bumagsak sa kagalakan. Kaya ako gusto mong lahat na may nais na pinansiyal na tulong upang makipag-ugnay sa kanya sa pamamagitan ng email bilang davidpetersonloanfirm1@outlook.com at maging bahagi ng aking patotoo.