“Ang butihing Pinoy ay ngiti ng Diyos sa lupa.”

IgCo 100% Natural Colostrum Skim Milk

IgCo 100% Natural Colostrum Skim Milk
Experience the health benefits! Now available in the Philippines

"Ambulansya" mentality.

Ang driving manners ng ibang mga pinoy sa 'Pinas ay maaari sigurong sabihin na kaunting paglalarawan ng sitwasyon ng kultura ng ating bansa: Pare-parehong gustong makarating sa kanilang patutunguhan, pero pare-pareho ding gustong mauna. Kaya nga, dahil sa pagsisingitan, lalong naaantala ang lahat. Dahil sa pagkakabuhul-buhol ng trapiko, ang mga nakakalusot ay di rin talaga lubhang nakakalamang in terms of layo mula sa mga nilampasan nila. Umiinit tuloy ang ulo ng lahat. At ang nagdurusa pa nga kung minsan ay yaong mga kawawang kasuno ng mga high blood na siningitan ng reckless drivers. 'Taka naman ako kung bakit ang sinisita lang ng mga pulis ay iyon lang nag-ooverspeeding at ang walang seatbelt, pero hindi tiniticketan ang mga abusadong maniningit? Kung tutuusin, ang mga sumisingit na ito na akala mo'y may precedence ng ambulansya ang isa sa mga ugat ng problema sa kalye. Hanggang ngayon, wala pa akong kilalang provincial commander, alkalde o konsehal na nakaka-isip na disiplinahin sila. Siguro, dahil akala nila ay parang imposible na itong gamutin. Pero kung tutuusin, ang disgrasya sa lipunang pinoy na bunga ng singitan, palusutan at pagkamakasarili ay pwede pang gamutin kung sisimulan ng value education sa bahay at sa paaralan. Talamak na ang sakit na ito. At least, may nakikita pa rin naman akong liwanag sa mahaba at madilim na tunnel. Sana naman ang makita nating ilaw sa tunnel ay hindi pa red light kundi yellow light pa lang! Syanga naman.

0 comments: