May isang mag-asawa na lumaki sa Pinas nang panahon nina Ate Vi at Guy and Pip. Nagkameron sila ng dalawang anak dito sa Amerika. Gabi-gabi ang pamilyang ito ay nagro-rosaryo bago matulog. Minsan namuno ang ama. Ingles ang dasal para makasagot ang mga anak. Nagsimula sa una, hanggang makarating sa ika-apat na misteryo, OK lang para sa mga bata. Ngunit pagdating sa huling misteryo, sinabi ng ama, "Da Pip Mystery is..." Sabat naman ng teen-ager na anak, "Daddy, what's Pip?" Natawa na lang ang ama at medyo nahihiyang nasabi: "Ahhhhh, you know, Guy and Pip?" Lalo namang hindi naunawaan ng anak. Ang nakakatawa nito, kapag nag-uusap ang mag-asawa sa bahay ay tagalog ang gamit dahil nahihiyang mag-inglesan. Pero kapag saksakan sila ng galit sa sa isa't-isa, lahat ng lumalabas sa bibig nila ay pulos Ingles, perfect grammar, correct pronunciation at accent pa ng New York . Para bang hindi sila mauubusan ng Ingles. Lahat ng takot or inhibitions na magkamali at pagtawanan ng kausap ay naglalaho. At least, on a positive note, mabuti na lang at ang mag-asawa ay walang inhibition kung magdasal kahit ingles sa harap ng Panginoon lalo na't alam nilang ito'y pag-akay sa mga anak. Tiwala kasi siguro sila na walang maling grammar o pronunciation kung tayo ay nakikipag-usap sa Kanya kahit magkabali-baliktad man ang "f" at "p", o ang "b" at "v", o "he" at "she". OK lahat sa Panginoon. Syanga naman, kung isasalin sa ingles ay "peyr enapp" (fair enough).
“Ang butihing Pinoy ay ngiti ng Diyos sa lupa.”
IgCo 100% Natural Colostrum Skim Milk
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment