“Ang butihing Pinoy ay ngiti ng Diyos sa lupa.”

IgCo 100% Natural Colostrum Skim Milk

IgCo 100% Natural Colostrum Skim Milk
Experience the health benefits! Now available in the Philippines

Ang Diyablo ng Mayo at Hunyo.

Ngayong nalalapit na muli ang religious Summer events, hwag po kayong magagalit kung may ipapa-ala-ala ako sa inyo. Gusto ko kasing hindi kayo bumagsak sa patibong ng maka-ahas na talino ni Pareng Taning (Satanas). Alam po nyo, kahit pa gaano kaganda ng plano nyo, gagawa at gagawa ang dyablo na umentra sa bandang huli upang maagaw ang eksena. Sisimple sya in the form of a very tiny error na pwedeng lumaki bilang misunderstanding at pwedeng lumagablab at sumira sa lahat ninyong ipinuhunang samahan, panahon, gastos, dasal at talino. Magbantay kayo na hindi makasingit ang Diyablo na parang kalawang in the form of pride at intriga. In short, kung may pumalpak o sumulpot na depekto sa plano, ang dapat gawin ay hanapin kaagad ang solusyon hindi ang kung sino ang dapat sisihin. Kung ang mali ay nag-produce ng apoy, sugpuin ito kaagad sa pamamagitan ng ministry ng pagiging "tulay". Ito ang adult response. At ang mga "outsiders" naman ay di dapat padadala sa panghihikayat ni Taning (Satanas) na ang mali at hinanakit ay magatungan pa ng mga unfounded na interpretasyon. At kahit well-founded ang interpretasyon, charity dapat ang maging batas ng bawat solusyon. Iwasan na ang misunderstanding ay maging hinanakit-bukid. Matuto sa TV series na "Everybody Loves Raymond". Huwag magtanim. "Magtanim ay di biro. Maghapong nakanguso." Hwag ibigay kay Taning ang "huling halakhak". Syangang syanga naman.

0 comments: