“Ang butihing Pinoy ay ngiti ng Diyos sa lupa.”

IgCo 100% Natural Colostrum Skim Milk

IgCo 100% Natural Colostrum Skim Milk
Experience the health benefits! Now available in the Philippines

Sinturon ng pagmamahal.

Bata pa ako ay sine na ang palipasan ko. Dahil sa bisyong ito, nagupakan ako ng Tatay ko for the first and last time sa buhay ko nang ako ay grade III. Kasi ba naman, tumakas ako sa iskwelahan. Nagdahilan ako sa titser na medyo mainit ang aking leeg. Pero ano ka, doon ako nagpalamig ng nilalagnat kong leeg sa sinehan. Kaso, masyado akong naaliw at di ko napansin na 9 PM na. Sino nga ba naman ang hindi gagabihin noong magka-double na ang pinanood ko, inulit ko pa. Kaya hayun, nagupakan ako dahil pinagtanungan na pala ni Tatay ang titser ko at mga pulis ng Tanauan, Batangas pero hindi ako makutaptapan. E ano naman ang lesson nito sa mga giliw kong mambabasa? Ang aral ay ito: "Yun palang dalawang haplit ng sinturon sa aking puwit ay tanda ng pagmamahal. Akala ko kasi noon ay ako na ang pinaka-api sa buong Pilipinas dahil doon pa ako nagupakan sa kalye at ni hindi man lang hinintay pa ni Tatay na makapasok muna kami sa bahay." Ngayon, makalipas ang maraming taon, nanghihinayang ako at wala akong foresight noon, tsk-tsk-tsk. Di ko naitago para sa aking private collection and sinturon ng yumao kong Tatay. Sinturon ng pagmamahal sapagkat dahil dito, nagbait ako. Pero, hwag ka, mahilig pa rin ako sa sine. Di naman masama iyon, eh, di ga? Ala, ang masama eh yaong mga natutong manood ng sine, pero hindi naman natutong maglibre. Tara na. Syanga naman.

0 comments: