“Ang butihing Pinoy ay ngiti ng Diyos sa lupa.”

IgCo 100% Natural Colostrum Skim Milk

IgCo 100% Natural Colostrum Skim Milk
Experience the health benefits! Now available in the Philippines

Basta!

Maraming beses kong nasaksihan dito sa New York kung gaano katindi ng kanilang pagtatangi sa aso. Merong mga amo na kinakausap at hinahagkan sa nguso ang kanilang aso doon sa Central Park. Nakakita rin ako ng mga tutang naka-blanket sa stroller habang itinutulak ng amo niyang nagda-jogging. Meron ding mga larawan ng aso na nakatanghal sa tukador kasama ng family picture, ma-opisina man at mapasa-bahay. Meron pang mga sinuswerteng aso na naka-insure o kaya, beneficiary ng generous na pamana. At marami pang iba. Sa kabilang dako, sa aking pagbabasa ng mga magazines, narito ang mga napulot kong dahilan kung bakit ang aso ay kaibigang matalik ng tao:
· Dahil ang kumakawag sa aso ay ang kanyang buntot, hindi ang kanyang dila. (Gets nyo ang ibig sabihin nito?).
· Dahil ang tao at aso ay hindi nag-uutangan. (Mataas naman ang inyong I.Q., kaya di ko na ito dapat ipaliwanag).
· Dahil hindi sumisimangot ang aso kapag pinagsasabihan. (Maliban kung ito ay bulldog dahil di kaya ng plastic surgeon na mabigyan ang bulldog ng asian smiling face).
· Dahil ang aso ay hindi nagmumukmok sa sulok o nagtatanim ng sama ng loob. (Hindi katulad nang ako'y bata pa na kapag sinusugo o pinagsasabihan ay humahaba ang nguso sa pagsimangot at pwedeng pa ngang sabitan ng hanger ang nguso sa tindi ng simangot na tumatagal kung minsan ng tatlong araw. Namamaga ang mukha, ika nga, ha ha ha ha).
Ganunpaman, kahit nakaka-high blood ang ibang tao kaysa aso, sa tao pa rin ako bilang best friend. Bakit? Ang sagot ko ay walang iba kundi, "Basta... wala na kayong pakialam doon." Syanga naman.

1 comments:

Anonymous said...

may mga pilyong pinoy na nag sasabi ng isa pang dahilan kung bakit mahal na mahal ng ibang tao ang mga aso. hindi ko na sasabihin dahil baka masermonan ako ni msgr.

subalit ang napansin ko lamang minsan ay higit pa ang pagpapahalaga ng ibang tao sa aso kesa kapwa nila tao.

tama ka msgr. tao pa din ang man's best friend, hindi ang aso. may alam ako na hindi na halos nakikipag kapwa tao, hindi na lumalabas at nakikisalamuha sa iba, aso na lang ang laging kasama. nung mamatay ang aso niya nawalan na ng gana sa buhay parang katapusan na ng mundo niya. tsk tsk tsk

ang init ng pagmamahal at pakikipagkaibigan ng tao ay hindi kailanman matutumbasan ng kahit na pinakamahal at pinakacute na aso. tama ga po?