“Ang butihing Pinoy ay ngiti ng Diyos sa lupa.”

IgCo 100% Natural Colostrum Skim Milk

IgCo 100% Natural Colostrum Skim Milk
Experience the health benefits! Now available in the Philippines

"McCoffin".

Feeling that she was already that smart, sinabi ng isa kong kaibigan ang plano niyang magpundar ng dalawang funeral homes. May nagpayo kasi sa kanya na ang negosyong ito ay walang talo. Walang taong magnanakaw ng ataul. Ang customers pa mismo ang magagalit kong aalayan mo sila ng discount o hiling na mas-maliit na kabaong. Pero alam po nyo, nagulat ako nang bigla na lang siyang nag-preno sa kanyang plano. Bunga ng pagkaka-kwento niya kay Mayor at Kapitan tungkol sa kagandahan ng ganitong venture habang ipina-process niya ang papers ng negosyo sa munisipyo, natuklasan na lang niya, two weeks after, na may sumulot sa kanyang idea. Magsusulputan raw ang funeral homes na parang McDo. Joint venture daw kasi ito ni Mayor, ni Kapitan at ni Hepe, bagama't hipag ni Konsehal ang front. Kaya nga, dear readers, pwede po ba, bagama't kailangan po natin ang services ng funeral homes, gamitin naman natin ang ating creativity sa pag-iisip ng unique ventures. Otherwise, kung di mapipigilan ang pag-usbong ng chain of funeral homes, di lang McDo ang dadami kundi pati na rin ang "McKabaong". Mas-class sa ingles, "McCoffin". Nagbibiro po ako, pero ang gusto ko talagang sabihin, higit sa biro, ay ito: "Hindi po honest ang manulot sa business o sa anupaman, lalo na kung ang sinulot ninyo ay dukha. Iyan ang naging kapahamakan ni Haring David, nang sulutin niya sa Bathsheba na asawa ng kapitan ng kanyang hukbo na si Uriah." Syanga naman.

0 comments: