Nang bata pa akong pari, wala pang back pains at wala pang kamuwang-muwang sa daigdig ng diplomacy, nasasagwaan ako noon sa red tape na para lang madalaw ang isang tao ay kailangan pang makipag-appointment. Para bang walang personal touch, naks! Ang akala ko kasi noon ay arte lang yun dahil nagpapa-importa sila. Ngayong mahigpit na ang kompetisyon ng itim at puti kong buhok kung alin ang mas madami, natanto ko na ang pagsi-set ng appointment ay pagbibigay pala ng importansya doon mismo sa akin bilang bisita at hindi doon sa dinadalaw. Meron ngang kasabihan na nagsasabing,"punctuality is the courtesy of kings". Ibig sabihin, dahil napaka-busy ng hari, ang pagbibigay niya ng audience sa bisita ay isang priceless na regalo. Kaya nga, bilang ganti ng humihingi ng appointment, ang karapat-dapat lang kapalit sa panahong ipagkakaloob ay ang dumating sa oras. Siguro, ang rekomendasyon ko sa ilang ipinaglihi yata sa pagiging huli, ay mabuti pang humingi ng biyaya na makapag-bilocate katulad ni Padre Pio. Bakit? At least kung may peligro na mahuhuli kayo sa appointment ay may isa pa kayong "kakambal na sarili" na mag-aappear doon sa tagpuan ninyo nang tama sa oras. Kaso, para makapag-bilocation kayo, may kondisyon. Una, kailangang magpapakabanal kayo tulad ni Padre Pio. Pangalawa, kailangang may butas din ang mga kamay at paa nyo tulad ng mga sugat ni Kristo sa mga kamay at paa ni Padre Pio. Kung di nyo trip ang dalawang kondisyong ito, kalimutan na lang nyo ang "Filipino time". Palitan nyo ito ng, "Time is gold", kung baga sa tagalog ay "You'll never pass this way again." Syanga naman.
“Ang butihing Pinoy ay ngiti ng Diyos sa lupa.”
IgCo 100% Natural Colostrum Skim Milk
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment