“Ang butihing Pinoy ay ngiti ng Diyos sa lupa.”

IgCo 100% Natural Colostrum Skim Milk

IgCo 100% Natural Colostrum Skim Milk
Experience the health benefits! Now available in the Philippines

"Visita ad limina".

Matapos makapag-submit ang mga Obispo ng quinquennial report (5-year report tungkol sa kanilang nasasakupang diocese), sama-sama silang pumupunta sa Roma. Ito ang tinatawag na visita ad limina. Kasama sa programa ay ang pagbisita rin sa mga opisina sa Vatican upang maikipag-coordinate para sa ikauunlad ng kanilang pastoral ministry sa kani-kanilang home dioceses. At siyempre, ang main feature ng kanilang lakad sa Roma ay ang audience sa Papa. Pero, magandang malaman nyo na tinawag itong visita ad limina dahil ang ibig sabihin nito ay pagdalaw sa mga puntod nina San Pedro at Pablo... upang mapunan muli ang bawat Obispo ng panibagong lakas. A shot in the arm, ika nga. Mga magulang, kayo na nahihiya sa inyong mga anak dahil hindi nyo sila maalayan ng lahat na dapat maidulot sa kanila, hindi totoo na kapag buhay lang kayo pwedeng makapaglingkod sa madla at sa mga mahal nyo sa buhay. Sina San Pedro at Pablo man ay maraming nabigyan ng panibagong lakas at "buhay" kahit mula sa kanilang kinahihimlayan. Katulad ng mga butihing magulang na nakahimlay sa kanilang piping puntod, eloquent pa rin sila mula sa kanilang puntod sapagkat nasasabi ng mga anak sa kanilang sarili, "Syanga pala... Totoo nga pala ang kanilang sinasabi. Sana nakinig ako noon". Mapalad pa rin tayo dahil sa larangan ng pagliligtas ng Panginoon, wala tayong masasabi na huli na ang lahat. Syanga naman.

0 comments: