Isa itong sumbat ni ate sa kanyang malikot na batang kapatid. Ang sagot naman ng utol niyang pilosopo, "Alangan namang doon ako sumiksik sa luwag!" Kung di tactful si Ate, simula na ito ng isa pa uling "world war". Sana marunong tayong bumasa ng "pangungusap" ng mga mahal natin sa buhay. Sabi nga sa counseling techniques, matuto sana tayong bumasa hindi lang ng sinasabi kundi ng inner message rin ng mga sentences na kanilang inuusal. Kaya nga, kung ang sumbat ni Misis sa lasenggo nyang asawa ay "Ginagabi ka na naman", maaaring ang inner message ng kanyang pangungusap ay, "Nag-aala-ala ako sa iyo" o kaya'y, "Maawa ka naman sa akin na iyo na yatang napapabayaan." Kung hindi marunong bumasa ng inner message si Mister, ang isasagot niya ay ito: "Itigil mo na nga ang kapuputak diyan." Kung mature siya, ang isa sa mga pwedeng sabihin nya ay ito: "Sorry, Dear, how inconsiderate of me. Napagod ka na naman tuloy sa paghihintay. O sige, pahinga na muna tayo." Alam nyo, mahirap basahin ang kalooban ng iba kung ang mananaig lagi sa atin ay ang boses at pagpalahaw ng ating "inner child". Malaking tulong ang katahimikan at panalangin para hwag kayong manatiling spiritually "illiterate". Syanga naman.
“Ang butihing Pinoy ay ngiti ng Diyos sa lupa.”
IgCo 100% Natural Colostrum Skim Milk
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment