“Ang butihing Pinoy ay ngiti ng Diyos sa lupa.”

IgCo 100% Natural Colostrum Skim Milk

IgCo 100% Natural Colostrum Skim Milk
Experience the health benefits! Now available in the Philippines

Wastong pagmamalaki ng magulang.

Bakit nga ba merong hindi makatagal sa mga magulang na natutuwang ipagmalaki ang kanilang mga anak halimbawa kung sila ay binuwenas na makatungtong sa Ateneo, De la Salle, UP, Harvard, Princeton, Fordham, Georgetown, atb. Ba't parang di nila malunok ang katuwaan ng ganitong mga magulang? Naaasbukan yata sila. Alam nyo, kung hindi nyo masikmura ang ganitong pagmamalaki, siguro ang mas-mayabang ay kayo. Bakit? Sapagkat, maaari ngang hindi kayo maasbok; pero ang katotohanan na hindi nyo masikmura ang pagmamalaki ng iba ay isang uri ng kataasan. Maaaring nayayabangan kayo sapagkat humble kayo compared sa kanya. Pero ang hindi nyo masikmura ang rightful na pagmamalaki at katuwaan ng isang magulang ay isa na ring malinaw na porma ng false humility. Ang tawag dito sa tagalog ay "kaasbukan" rin. Opppps, dahan-dahan, hwag kayong magagalit sa akin. Tanggap ko na meron talagang taong maasbok. Pero pinapapag-isip ko rin po kayo. Saka kayo magalit sa akin matapos nyong mapagnilayan ito. Syanga naman.

0 comments: