“Ang butihing Pinoy ay ngiti ng Diyos sa lupa.”

IgCo 100% Natural Colostrum Skim Milk

IgCo 100% Natural Colostrum Skim Milk
Experience the health benefits! Now available in the Philippines

Enero 2009

1. Hello and Goodbye! Habang ang mga bakasyonista ay namamaalam sa Belen, Christmas tree at Santa Claus, naka-telecast naman sa ilang morning TV programs ang storing tips o kung papaano igagarahe ang Christmas lights at décor sa kani-kanilang taguan. Opppps, huwag na huwag ninyong isasama sa taguan ang pagpapatawaran at pagbibigayan! Hwag kalimutan na ilang beses din kayong naki-awit na… “At magbuhat ngayon, kahit hindi Pasko ay magbigayan”. Take note, kasama sa pagbibigayan ang pagbibigay ng “the best” natin anuman ang ating ginagawa. Dahil dito, lakas-loob nating isigaw:“Goodbye Christmas vacation; Hello, school, books and notebooks!” Huwag matakot sa mathematics! Goodbye sa pagbangon nang tanghali na. Ang mga sakripisyo tuwing schooldays ay pampalasa ng buhay. Ang mga ito ang nagpapasaya ng bakasyon. Syanga naman.


2. “Pastoral” music para sa Misa. Ako po ay di magaling kumanta. Ang katuwaan ko po naman ay ang makinig ng musika. Sa akin pong pakikinig narito ang aking mga napupuna: May mga awitin sa radyo at sa simbahan na maganda ang lyrics pero pangit naman ang melody. Resulta? Maingay sa ulo ang effect ng mga ito. Meron namang pieces na maganda ang melody pero mababaw naman ang lyrics. Siguro magandang malaman ng choir directors na merong awitin na mas bagay sa konsyerto kaysa Misa. Kahit ano pang ganda ng polyphony, lyrics at rendition nito sa loob ng Misa, mahihirapan pa rin ang Espiritu Santo na patagusin ang mensahe nito sa puso lalo na kung ang melody nito ay walang bakas ng liturgical solemnity. Ganon din, maganda kung ang pag-awit sa Misa ay pastoral, i.e., naghahatid o nagpapastol ito ng mga sumisimbang tupa tungo sa Panginoon at hindi tungo sa paghanga sa choir o choir director. Syanga naman.


3. Mga sawimpalad sa Manila Film Festival 2008. Napansin ko nitong festival na mas-maraming entries ang pampasaya at pampatawa, e.g., “Iskul Bukol”, “Desperadas” at “Tanging Ina”. Understandable lang, di po ba, na si Juan de la Cruz ay pasayahin? Ang malungkot nito, meron po akong inabangang mga winners pero hindi po nanalo. Sawimpalad! Wala ni isa sa mga opisyal mula sa Malacañang, Kongreso, Senado, Department of Justice at Supreme Court ang lumabas bilang winner. Di po ba dapat lang nating taguriang Best Actor yun pong mga senador o congressmen na umaasbok sa init kapag nakikipag-debate o nag-iimbestiga sa session hall pero table mates naman pala sila ng mga ini-interrogate o ka-debate nila over a piece of “hambordyer”. Di po ba best actor/actress yaong mga makabayan sa mga talumpati sa plaza, radyo at TV pero kabaliktaran naman ang ipinapakita sa kanilang politika at pamamalakad. Kaya, sana po next time ay dapat maging maingat na ang mga hurado ng film fest sa pamimili ng best actor at actresses. Syanga naman.


4. Pagtatayo ng Kapayapaan sa pamamagitan ng Pagwasak sa Karukhaan: Ito po ang pamagat ng mensahe ni Pope Benedict XVI (B16). Laan po ang mensaheng ito para sa mga presidente, prime ministers, diplomats, at mga pinuno ng iba’t-ibang relihiyon nitong World Day of Peace, ika-1 ng Enero 2009, Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos. Sinabi ni B16, kung tutuusin “ang karukhaan (poverty) ang ugat ng mga digmaan at civil war”. Ang solusyon sa karukhaan ay hindi ang pagsugpo sa pagdami ng tao kundi ang pagsugpo sa maraming taong biniktima ng naghaharing-uri sa pamamagitan ng panggigipit at dahas.

Ang solusyon sa karukhaan ay hindi ang pagpapadala ng saku-sakong condom sa mga nagdarahop na biktima ng AIDS kundi ang paggagamot sa moral issues na may kaugnayan sa pagkalat ng virus. Sa tuwing may mga babae na biktima sa lipunan ng mga macho, ang laging nagdurusa ng kahirapan ay ang mga bata.

Sa mga bansa na hinahagupit ng global recession, ang solusyon ay ang kooperasyon sa legal at economic level upang makapag-ugit at makapagpasunod ng mga batas na pakikinabangan hindi lang ng mga mismong umuugit ng batas. Bagay na bagay rin ang mga payong ito ng Papa para sa bansa ni Juan de la Cruz na pinapapagdusa hindi lang ng economic crisis kundi lalo’t higit ng credibility crisis. Syanga naman.


5. Syanga Naman mosaic. Hanggang ngayon ay meron pa ring nagtataka kung bakit ang style ng column na ito ay parang pagtatagpi-tagpi ng iba’t-ibang topic. Kasi po, ang trip ko ay ang makapagbuod ng maraming topics bawat buwan kaysa makapaglathala ng isa lang article na pinahaba at pinalalim ng maraming supporting footnotes at sources. Para sa akin, mas-masaya kung maraming topic at tag-lish, di po ba? For a change, ika nga. Syanga naman.


6. Rizal Day. Naniniwala ako sa sinabi ni Conrado de Quiros mula sa isa niyang mga columns: “Ang kabayanihan ay makikita hindi lang sa kamatayan. Makikita rin ito lalo’t higit sa kung papaano tayo nabubuhay.” Totoo rin ito kung iuugnay sa buhay-kabanalan. Sa katunayan, parang mas-madali ang mamatay na martir kaysa magtiyagang magpakabanal araw-araw sa gitna ng karamdaman, pagkakautang, pag-iisa, pag-uusig, at pagkabigo. Di po ba? At “silang nag-aalay ng buhay dahil sa pag-ibig at katarungan ay di namamatay”(B16). Syanga naman.


7. New Year’s Resolutions. Hindi sapat na dahilan na porke hindi natin nagaganap lahat ang ating New Year’s resolutions ay hindi na tayo gagawa pa kailanman ng mga resolutions. Hwag naman. Hwag tayong magpatalo sa espiritu ng cynicism. Sa totoo lang, walang kasaysayan ang araw-araw nating pagdarasal kung wala tayong resolution of the day. Walang kasaysayan ang sermon kung hindi ito nag-iiwan ng hamon o resolution sa mga sumisimba sa araw na iyon. Maging masugid lang tayo sa pagsasakatuparan ng ating daily resolutions ay pagkakalooban tayo ng bonus na “fruits of the Holy Spirit”, gaya ng charity, at joy. Sa pamamagitan ng bonus na “bunga ng ng Espiritu Santo”, hindi magiging maganit ang pag-akyat natin sa bundok ng kabanalan. Sa halip makakagawa tayo ng mga dakilang bagay na laging may ngiti sa mga labi at kislap sa mga mata (Easter Joy). Syanga naman.


8. Flying Bread. Tanda pa nyo kung sino si Muntadhar al-Zeidi? Siya ang Iraqi na bumato ng sapatos na kasimbilis ng Scud missile kay Presidente Bush matapos makapag-update ang huli sa isang press conference tungkol sa Afghanistan at Iraq nitong nakalipas na December 2008. Biro ng iba, pwede sigurong irikemonda si Mr. al-Zeidi na maging “patron” ng goodbye kiss, baseball pitcher o kaya ng mga magsasapatos. Sa Europa, ang ibinabato nila sa mga lingkod-bayan na di maka-deliver ay itlog na hilaw. Sa bayan ni Juan, hindi dapat mangyari na ang maibato ay flying bread. Hindi dahil masasayang lang ang tinapay kundi dahil very hazardous kung nakalagay pa ang tinapay sa garapon. Kung bakit hindi ito ginawang big deal ng mga Kano bilang diplomatic case lalo pa’t ginawa ito sa kanilang head of state, hindi na tayo dapat masyado pang mag-isip. Alam nilang maliit pa ito kaysa langgam kung ihahambing sa diplomatic mistake na ginawa ng Bush administration. Sa unang tingin, ito ay aral para kay Presidente Bush lamang. Syanga naman.

0 comments: