“Ang butihing Pinoy ay ngiti ng Diyos sa lupa.”

IgCo 100% Natural Colostrum Skim Milk

IgCo 100% Natural Colostrum Skim Milk
Experience the health benefits! Now available in the Philippines

Marso 2009

1. Napapag-usapan lang. Ano kaya at naaksidente kayo, pero hwag sanang mangyari. Bagay lang at napapag-usapan. Tapos, sa aksidenteng yaon, nagtamo kayo ng kaunting sugat. Tanong: Ano kaya ang una ninyong gagawin? Alam nyo, pwedeng mangyari na sa isa sa mga mambabasa ng "Syanga Naman" na ang una niyang isi-secure ay ang kanyang cell phone. Bakit? Kasi, kapag nabasa ni Misis ang text messages nito, magiging dahilan ito ng kamatayan ng puso nilang dalawa. Ha ha ha ha ha. Syanga Naman.

2. Ang cell phone, salamin ng ating pagkatao. Totoong-totoo ito sa ating Bayan. Ipinapakita ng text messages nito ang ating kabanalan o ang ating mga attachments na magandang pagnilayan ngayong Kuwaresma para maituwid. Ipinapakita rin nito ang ating mga priorities; kahit yaong tendency na maging maluwag sa paggastos sa mga texts, gaya ng "Mmmmwah!", na hindi naman napaka-essential at yaong tendency na maging maganit sa pagdukot ng pisu-piso sa mga proyektong maka-bayan, gaya ng "Pondong Batangan" na ayon kay Fr. Manny Guazon ay napakarami nang mag-aaral na mahihirap ang natutulungan.

3. Ang bangungot ng kawalan ng ebidensya. Sa cell phone ay pwede ring masalamin hindi lang ang ating sarili kundi ang ating Bansa, lalo na ang sub-culture na gumagapang sa katauhan ng mga nanunungkulan: ito ay ang sub-culture na maging maganda ang imahen sa panlabas at mapagtakpan ang mga gawaing makakasira ng panlabas na imahen. Kahit maliwanag pa sa sikat ng araw ang nakita ng mga saksi, sila pang mga saksi ang laging talo dahil wala silang ebidensya. Syanga Naman.

4. Transfiguration resolution. Nang ikalawang Linggo ng Kwaresma, nang ang ebanghelyo ay tungkol sa Transfiguration, nasabi ni Fr. Orbos sa TV Mass na kailangan ng ating Bansa ang "Transfor-Nation" at "Transfigu-Nation". Oo nga naman. Syanga Naman.

5. Paala-ala ni Santo Tomas de Aquino. Napakarami sa atin ngayon ang sugatan financially, morally at spiritually. At kahit alam nating "ang tunay na nagmamahal ay nag-aalay" nahihirapan tayong maka-move on. Nalalanta tayo. Maganda, at this point, na mapaalalahanan tayo ni Sto. Tomas de Aquino tungkol sa "tatlong bagay ng kinakailangan nating malaman para maligtas o kaya para maramdaman ang langit dito pa man sa lupa".

Una, "know what we ought to believe". Sapagkat kung malinaw sa atin kung ano at Sino ang dapat nating sampalatayanan hindi tayo mapipigilang mangarap. Malakas ang ating pag-asa. Kagaya ni Amang Abraham, magagawa nating tupdin ang utos ng Diyos kahit masakit itong isagawa sapagkat malinaw sa ating di Siya lumilimot sa Kanyang mga pangako. Syanga naman.

Pangalawa, "know what we ought to desire". Sapagkat kung malinaw sa atin kung ano ang dapat nating gustuhin kaya nating kitlin mula sa ugat ang dahilan ng ating kasakiman, hindi lang sa "moderation ng ating greed". Kaya nating mag-alay dahil tayo'y nagmamahal. Hindi natin pagbibintangan ang pera bilang ugat ng kasamaan dahil batid nating ang pusong sakim ang ugat ng kasalanan. Kapag malinaw sa atin kung ano ang dapat nating gustuhin, malinaw din sa atin na "ang kabanalan ay hindi necessarily ang maging mahirap financially". Malinaw din sa atin na kaya tayo nabubuhay ay hindi upang magdusa kundi upang magmahal. At bahagi ng pagmamahal na ito ang pag-aalay. Sinabi nga ng Panginoon na "Sinuman ang gustong maging aking alagad, buhatin niya ang aking krus at sumunod sa akin." Syanga Naman.

At pangatlo, "know what we ought to do". Kapag malinaw sa ating puso at isipan kung ano ang dapat nating gawin, kaya nating maging magiting. Nakakatayo tayo kahat ilang beses tayong madapa. Alam nating isang chapter lamang ito sa ating buhay, isang tuldok sa kasaysayan ng kaligtasan. Alam nating instrumento lang tayo. Di hinihingi ng Diyos na maging tagumpay sa ating misyon. Malinaw sa ating misyon na ang Diyos ang Panginoon ng Kasaysayan ng Kaligtasan. Hindi tayo! Ang hinahanap Niya ay maialay natin ang "the best" ng ating makakaya. Nakakaya nating maging kakaiba dahil "To be a Christian is to be different". Kaya nating makagawa ng mabuti na di na naghahangad pang ipaskel ang pangalan sa mga gusali, lathalain at sa mga sasakyan. Ang paglilingkod ay bunga ng pagmamalasakit at naglalayong maipastol ang mga sugatang tupa upang pagalingin ng Dakilang Pastol. Hindi mo nilalayon na matulungan ang kapatid upang sa gitna ng kanyang kahinaan (vulnerability) ay sagpangin upang pakinabangan at angkinin para sa sariling kapakanan. Syanga Naman.

Kapag malinaw sa atin ang tatlong paala-alang ito ni Santo Tomas de Aquino, makakaya nating sundin ang halimbawa ni Abraham. At tuwinang merong magiging "kakaiba" bilang Kristyano dahil hindi siya sumusukong "mangarap", tuwing may magtiwala sa Diyos at "mag-aalay" ng buhay, maraming mga nawawalan na ng pag-asa ang mabubuhayan ng loob. Bakit? Sapagkat sa tagpong ito maririnig mula sa langit ang sinabi ng Diyos Ama sa unang Transfiguration: "Narito ang aking anak na lubos kong kinalulugdan. Sundin ninyo siya …"

6. Si Kristo, tunay na Alay-Kapwa. Kinahabagan Niya tayo hindi lang kahit (in spite of) tayo makasalanan kundi sapagkat tayo ay makasalanan. Hindi lang kamay ang kanyang iniabot. Siya mismo ang dumating upang tayo ay tubusin. Dahil dito, sa pagnanais na matularan Siya, napakagandang pagnilayan ang awitin ng Alay- Kapwa na nagsasabing: "Mag-utos ka, Panginoon ko. Dagling tatalima ako …" Syanga Naman.

7. Yeheeey, bakasyon na naman! Dahil malapit na naman ang bakasyon, magandang mabanggit yaong "question and answer session" ng mga pari ng Diyosesis ng Roma kay Pope Benedict XVI nitong nakaraang Marso 2009. Tungkol ito sa pastoral care ng mga kabataan. Nasabi doon na hindi sapat na basta na lang mapuno ang kumbento o ang parokya ng mga grupo ng kabataan na nagpapalipas ng panahon na hindi nag-aaral o hindi nagtatanong ng mga tamang katanungan na makakapagbukas sa kanila ng religious meaning, laan upang maging gabay nila sa paglilingkod sa kapwa. Ang kumbento ay hindi dapat magsilbing refuge lamang ng mga batang tumatakas sa bahay. Ngayong bakasyon, maganda na matuto silang makisama, maging lider at maging mga taga-sunod at lalo't higit, ang magkaroon sila ng kultura ng tunay na mananampalataya.

Kaalinsabay nito, inirekomenda ni Pope Benedict para naman sa mga kabataang-pari, bilang pastol na rin ng mga kabataan, maganda na silang junior clergy ay bigyan ng three-year term bilang assistant pastor para magkaroon sila ng sapat na exposure sa iba't-ibang kultura at sitwasyon ng bawat parokya. Syanga Naman.

0 comments: