“Ang butihing Pinoy ay ngiti ng Diyos sa lupa.”
IgCo 100% Natural Colostrum Skim Milk
Showing posts with label Best of Syanga Naman. Show all posts
Showing posts with label Best of Syanga Naman. Show all posts
Sabi po ng iba, ang mga politiko raw ay pare-pareho kahit saan. Bakit? Lagi daw nangangako na ipagpapagawa ang bayan ng tulay kahit wala namang ilog na mapapaglagyan. Kaya nga mabuti pa raw na sa halip na i-tape ang kanilang mga talumpati, ang i-tape na lang daw ay ang kanilang mga bunganga. Well... well... well. Sorry po, tabi po nuno. Naisulat ko lang po ito dahil mas-madali kasi ang maging backseat driver. Pero alam po ninyo, sabi po ni Mr. Croft Pentz: "We have no right to complain about mistakes made by people who are doing the work we should be doing." Kasama po sa "we" ay kayong mga bumabasa nito. Hindi pa po huli ang lahat. Syanga naman.
Labels: Best of Syanga Naman
Kaso, kaya tuloy bihira ang gumagaling sa ingles ay sapagkat pinupulaan at tinatawanan ang mga gustong matuto kapag nagkakamali: "Hmmmp, paingles-ingles pa, barok english naman!" Ano ang mga resulta ng ganitong sub-culture? Ang nangyari, meron diyang halos mamatay sa kakatawa at pagkutya sa mga bakla, hayun, nagka-anak tuloy ng bakla. Nakita nya. Natutunan tuloy niya sila ngayong igalang. Ito ngayon ang aking tanong: "Okey naman ang IQ ng pinoy, bakit kaya wala na siyang maipakwela kundi ang pagbabakla-baklaan at ang kaberdehan?" Syanga naman.
Labels: Best of Syanga Naman
Kahiya-hiya mang sabihin, ang isa sa mga bagay na maaari nating baguhin ay ang ating humor pattern. Tuwing umuuwi ako sa 'Pinas, napapanood ko sa TV at nababasa ko sa iba't-ibang mga lathalain na parang ang mga kumukwela lang na mga patawang-pinoy ay yaon lang mga maling grammar noon ni Erap o kaya'y ang matigas na pronunciation ng ibang mga kababayan; kwela din ang pagkabakla at ang mga nagbabakla-baklaan; ang kabastusan at ang pangungutya sa depekto ng iba. Syanga?
Implikasyon ng ganitong humor patterns. Kaso, kaya tuloy bihira ang gumagaling sa ingles ay sapagkat pinupulaan at tinatawanan ang mga gustong matuto kapag nagkakamali: "Hmmmp, paingles-ingles pa, barok english naman!" Ano ang mga resulta ng ganitong sub-culture? Ang nangyari, meron diyang halos mamatay sa kakatawa at pagkutya sa mga bakla, hayun, nagka-anak tuloy ng bakla. Nakita nya. Natutunan tuloy niya sila ngayong igalang. Ito ngayon ang aking tanong: "Okey naman ang IQ ng pinoy, bakit kaya wala na siyang maipakwela kundi ang pagbabakla-baklaan at ang kaberdehan?" Syanga naman.
Labels: Best of Syanga Naman
Alam ba ninyo kung ano ang gamot sa tinutukoy kong problema sa puting buhok? Uyyy, interesado sila. Bweno, una, kung nearsighted kayo, para mawala ang puting buhok ninyo ay magsalamin kayo dalawang metro ang layo mula sa salamin. Mas-okey kung three meters away. Tapos, tanggalin ninyo ang inyong salamin sa mata. Result: garantisado, wala kayong makikitang puting buhok. Kitam? (See?). Pangalawa: Ang gamitin nyo ay ang matapang na shampoo. Pagkatapos ng anim na buwan, wala na kayong puting buhok. Makintab na ulo na lang ang natitira. Pangatlo, palitan na ninyo ang inyong working principle, that is, kung dumadami ang puti nyong buhok o kaya nakakalbo kayo, i-adopt ninyo bilang prinsipyo ang pilosopiyang ito: "What matters is not what is outside your head but what is inside." Pang-apat, bilang pinaka-garantisadong walang palpak na solusyon para di nyo problemahin ang putting buhok, lumagay na lang kayo sa inyong kinalalagyan. Huwag dayain ang inyong sarili. Kahit pa tinain nyo ang inyong buhok, halata rin naman sa kulubot ng inyong mukha at sa dami ng tabletas na inyong iniinom. Opppps, sorry po sa mga kaibigan kong plastic surgeons na sikat din sa hair transplant. Pasensya na po Dr. Jesse Corres. Wala po akong intensyon na pahinain ang inyong clientele. Trabaho lang po ito ng pari. Oo nga naman.
Labels: Best of Syanga Naman
Nabasa na ba nyo ang motto ng UNESCO? Ayon sa kanyang conviction, "ang mga digmaan ay nag-uugat mula sa isipan ng tao." Kaya nga, para kamtin ang kapayapaan, kailangang bigyan ng spiritual vitamin ang isipan ng tao. At ito ang ginawa ni Konrad Adenauer ng Germany at ni Presidente de Gaulle ng France. Dahil napansin nila na lagi na lang silang parang aso't pusa for centuries, ang isa sa mga effective na solusyon nila ay ang i-revise ang kanilang history textbooks. Tinanggal ang hate-campaign. At yaon ang isa sa mga naging ugat ng pagkakaisa ng Europa (European Union). Kaya nga, kung gusto nyo ng kapayapaan sa bahay, kung inaakala nyo na ang solusyon ay ang laging kulitin at kutkutin ang bahaw na sugat o ang mag-quote mula sa "history textbook ng ligaw at reckless nyong kahapon" nagkakamali kayo. Paglalaruan lang kayo ng demonyo. Syanga naman.
Labels: Best of Syanga Naman
Paano nga ba naman hindi aahasin kahit ang pamahalaan kung ang buhay pananampalataya ng pinoy ay pinapasukan ng maling sub-culture. Kahit sa pagpili ng mga ninong ang gusto laging maging ninong ay si Mayor, si General, si Colonel, si Konsehal o kaya si Kapitan. Saan naman kukuha ng pakimkim si Konsehal kung linggu-linggo ay lagi siyang umaabay sa kasal o nagnininong sa binyag. Pagkatapos, pagka hindi naman nagpakimkim ng malaking halaga ay ipamamalita na kuripot daw ang ninong. Wala daw kwentang iboto. Alam nyo, mabuti na lang at hindi uso sa atin ang ninong sa patay. Iyan po ang talagang "Syanga naman" Sama ako ng sampu!
Labels: Best of Syanga Naman
Siguro, miss na miss nyo ang mga pagkaing pinoy di lang sapagkat ito ang nakasanayan ng inyong panlasa. Ang isa pang malaking dahilan ay ang ating "rootedness". Halimbawa, pustahan tayo at kung mangyari lang na umalwan ang buhay sa Pilipinas, marami sa inyo ang raragasa na lumantak ng pauwi, di ba? Sigurado, marami sa inyo ang doon magri-retiro. Ang dahilan ay sapagkat totoo ang rootedness ng ating pag-iral (existence). Kaya nga, magtataka kayo, dahil sa "rootedness" kahit patak ng ulan, para sa iba, ay may kakabit na ala-ala. Kahit amoy ng sinusunog na tinabas na damo o kaya, ang lumang awitin o amoy ng isang uri ng pabango. Lahat sila ay may dulot sa ating personal na ala-ala. Ang rootedness ng ating pagkatao ang dahilan kung bakit kapag gumagawa tayo ng kabulastugan, hindi tayo mapakale kahit puno ang ating bulsa o kaya'y bundat ang ating tiyan. Di tayo tunay na masaya dahil nilalang tayong kawangis Niya. Tayo'y isinilang para sa Kanya. Naka-ugat ang ating existence (pag-iral) sa kanya. At ang kalungkutan sa gitna ng kasaganaan bunga ng kawalan ng relasyon sa Diyos ay tinatawag na "alienation". Syanga naman pala.
Labels: Best of Syanga Naman
Sino nga ba ang masasabi nating maganda? Of course, alam natin lahat na ang kagandahan ay yaong nasa kalooban ng tao; o kaya naman, ang kagandahan ay depende sa mata ng tumitingin. Pero, mga boss, hwag na tayong magbolahan. Ang maganda ay maganda. Meron talagang ganda na pang Miss Philippines. Pero ang alam ko, merong maganda na di marunong magdala ng kanilang kagandahan. May ganda na nakakasawa at nakakaumay. Meron namang hindi maganda pero gumaganda kapag tinititigan, kapag nakakausap. Meron ding gumaganda kapag wala ka nang mapili ... dahil kahit marami kang nakitang iba, iyon talaga ang sigaw ng iyong puso. Kaya nga, kung ako ang tatanungin kung sino ang maganda, siya ay di lang somebody na nakakapalingon, kundi somebody rin na matapos mong makilala ay masasabi mo sa sarili na "Syanga naman".
Labels: Best of Syanga Naman
Hindi masama ang maging matipid. Ang pangit ay ang maging kuripot. Ano ba ang pagkakaiba ng dalawa? Ang pagiging kuripot ay ang katipirang wala sa lugal. Sa probinsya, kagaya nya yaong taong natutong manigarilyo, hindi naman natutong bumili. Nahirati na lang sa paghingi. Magaling siyang magyaya sa Krystal at Renée Restaurant, sa oras naman ng bayaran ay either andon siya sa restroom o kaya enthralled deeply ang kanyang konsentrasyon sa wide screen ng sing-along. Ang mga kuripot daw ay magaling sa boksing dahil laging nakaikom ang kanilang mga kamay. Sa Batangas, ang bansag sa mga kuripot ay "Totoy Bato", dahil wala daw silang pakiramdam. Syanga naman!
Labels: Best of Syanga Naman
Matapos makapag-submit ang mga Obispo ng quinquennial report (5-year report tungkol sa kanilang nasasakupang diocese), sama-sama silang pumupunta sa Roma. Ito ang tinatawag na visita ad limina. Kasama sa programa ay ang pagbisita rin sa mga opisina sa Vatican upang maikipag-coordinate para sa ikauunlad ng kanilang pastoral ministry sa kani-kanilang home dioceses. At siyempre, ang main feature ng kanilang lakad sa Roma ay ang audience sa Papa. Pero, magandang malaman nyo na tinawag itong visita ad limina dahil ang ibig sabihin nito ay pagdalaw sa mga puntod nina San Pedro at Pablo... upang mapunan muli ang bawat Obispo ng panibagong lakas. A shot in the arm, ika nga. Mga magulang, kayo na nahihiya sa inyong mga anak dahil hindi nyo sila maalayan ng lahat na dapat maidulot sa kanila, hindi totoo na kapag buhay lang kayo pwedeng makapaglingkod sa madla at sa mga mahal nyo sa buhay. Sina San Pedro at Pablo man ay maraming nabigyan ng panibagong lakas at "buhay" kahit mula sa kanilang kinahihimlayan. Katulad ng mga butihing magulang na nakahimlay sa kanilang piping puntod, eloquent pa rin sila mula sa kanilang puntod sapagkat nasasabi ng mga anak sa kanilang sarili, "Syanga pala... Totoo nga pala ang kanilang sinasabi. Sana nakinig ako noon ". Mapalad pa rin tayo dahil sa larangan ng pagliligtas ng Panginoon, wala tayong masasabi na huli na ang lahat. Syanga naman.
Labels: Best of Syanga Naman
Isa itong sumbat ni ate sa kanyang malikot na batang kapatid. Ang sagot naman ng utol niyang pilosopo, "Alangan namang doon ako sumiksik sa luwag!" Kung di tactful si Ate, simula na ito ng isa pa uling "world war". Sana marunong tayong bumasa ng "pangungusap" ng mga mahal natin sa buhay. Sabi nga sa counseling techniques, matuto sana tayong bumasa hindi lang ng sinasabi kundi ng inner message rin ng mga sentences na kanilang inuusal. Kaya nga, kung ang sumbat ni Misis sa lasenggo nyang asawa ay "Ginagabi ka na naman", maaaring ang inner message ng kanyang pangungusap ay, "Nag-aala-ala ako sa iyo" o kaya'y, "Maawa ka naman sa akin na iyo na yatang napapabayaan." Kung hindi marunong bumasa ng inner message si Mister, ang isasagot niya ay ito: "Itigil mo na nga ang kapuputak diyan." Kung mature siya, ang isa sa mga pwedeng sabihin nya ay ito: "Sorry, Dear, how inconsiderate of me. Napagod ka na naman tuloy sa paghihintay. O sige, pahinga na muna tayo." Alam nyo, mahirap basahin ang kalooban ng iba kung ang mananaig lagi sa atin ay ang boses at pagpalahaw ng ating "inner child". Malaking tulong ang katahimikan at panalangin para hwag kayong manatiling spiritually "illiterate". Syanga naman.
Labels: Best of Syanga Naman
May isang mag-asawa na lumaki sa Pinas nang panahon nina Ate Vi at Guy and Pip. Nagkameron sila ng dalawang anak dito sa Amerika. Gabi-gabi ang pamilyang ito ay nagro-rosaryo bago matulog. Minsan namuno ang ama. Ingles ang dasal para makasagot ang mga anak. Nagsimula sa una, hanggang makarating sa ika-apat na misteryo, OK lang para sa mga bata. Ngunit pagdating sa huling misteryo, sinabi ng ama, "Da Pip Mystery is..." Sabat naman ng teen-ager na anak, "Daddy, what's Pip?" Natawa na lang ang ama at medyo nahihiyang nasabi: "Ahhhhh, you know, Guy and Pip?" Lalo namang hindi naunawaan ng anak. Ang nakakatawa nito, kapag nag-uusap ang mag-asawa sa bahay ay tagalog ang gamit dahil nahihiyang mag-inglesan. Pero kapag saksakan sila ng galit sa sa isa't-isa, lahat ng lumalabas sa bibig nila ay pulos Ingles, perfect grammar, correct pronunciation at accent pa ng New York . Para bang hindi sila mauubusan ng Ingles. Lahat ng takot or inhibitions na magkamali at pagtawanan ng kausap ay naglalaho. At least, on a positive note, mabuti na lang at ang mag-asawa ay walang inhibition kung magdasal kahit ingles sa harap ng Panginoon lalo na't alam nilang ito'y pag-akay sa mga anak. Tiwala kasi siguro sila na walang maling grammar o pronunciation kung tayo ay nakikipag-usap sa Kanya kahit magkabali-baliktad man ang "f" at "p", o ang "b" at "v", o "he" at "she". OK lahat sa Panginoon. Syanga naman, kung isasalin sa ingles ay "peyr enapp" (fair enough).
Labels: Best of Syanga Naman
Ang driving manners ng ibang mga pinoy sa 'Pinas ay maaari sigurong sabihin na kaunting paglalarawan ng sitwasyon ng kultura ng ating bansa: Pare-parehong gustong makarating sa kanilang patutunguhan, pero pare-pareho ding gustong mauna. Kaya nga, dahil sa pagsisingitan, lalong naaantala ang lahat. Dahil sa pagkakabuhul-buhol ng trapiko, ang mga nakakalusot ay di rin talaga lubhang nakakalamang in terms of layo mula sa mga nilampasan nila. Umiinit tuloy ang ulo ng lahat. At ang nagdurusa pa nga kung minsan ay yaong mga kawawang kasuno ng mga high blood na siningitan ng reckless drivers. 'Taka naman ako kung bakit ang sinisita lang ng mga pulis ay iyon lang nag-ooverspeeding at ang walang seatbelt, pero hindi tiniticketan ang mga abusadong maniningit? Kung tutuusin, ang mga sumisingit na ito na akala mo'y may precedence ng ambulansya ang isa sa mga ugat ng problema sa kalye. Hanggang ngayon, wala pa akong kilalang provincial commander, alkalde o konsehal na nakaka-isip na disiplinahin sila. Siguro, dahil akala nila ay parang imposible na itong gamutin. Pero kung tutuusin, ang disgrasya sa lipunang pinoy na bunga ng singitan, palusutan at pagkamakasarili ay pwede pang gamutin kung sisimulan ng value education sa bahay at sa paaralan. Talamak na ang sakit na ito. At least, may nakikita pa rin naman akong liwanag sa mahaba at madilim na tunnel. Sana naman ang makita nating ilaw sa tunnel ay hindi pa red light kundi yellow light pa lang! Syanga naman.
Labels: Best of Syanga Naman
Maraming beses kong nasaksihan dito sa New York kung gaano katindi ng kanilang pagtatangi sa aso. Merong mga amo na kinakausap at hinahagkan sa nguso ang kanilang aso doon sa Central Park. Nakakita rin ako ng mga tutang naka-blanket sa stroller habang itinutulak ng amo niyang nagda-jogging. Meron ding mga larawan ng aso na nakatanghal sa tukador kasama ng family picture, ma-opisina man at mapasa-bahay. Meron pang mga sinuswerteng aso na naka-insure o kaya, beneficiary ng generous na pamana. At marami pang iba. Sa kabilang dako, sa aking pagbabasa ng mga magazines, narito ang mga napulot kong dahilan kung bakit ang aso ay kaibigang matalik ng tao:
· Dahil ang kumakawag sa aso ay ang kanyang buntot, hindi ang kanyang dila. (Gets nyo ang ibig sabihin nito?).
· Dahil ang tao at aso ay hindi nag-uutangan. (Mataas naman ang inyong I.Q., kaya di ko na ito dapat ipaliwanag).
· Dahil hindi sumisimangot ang aso kapag pinagsasabihan. (Maliban kung ito ay bulldog dahil di kaya ng plastic surgeon na mabigyan ang bulldog ng asian smiling face).
· Dahil ang aso ay hindi nagmumukmok sa sulok o nagtatanim ng sama ng loob. (Hindi katulad nang ako'y bata pa na kapag sinusugo o pinagsasabihan ay humahaba ang nguso sa pagsimangot at pwedeng pa ngang sabitan ng hanger ang nguso sa tindi ng simangot na tumatagal kung minsan ng tatlong araw. Namamaga ang mukha, ika nga, ha ha ha ha).
Ganunpaman, kahit nakaka-high blood ang ibang tao kaysa aso, sa tao pa rin ako bilang best friend. Bakit? Ang sagot ko ay walang iba kundi, "Basta... wala na kayong pakialam doon." Syanga naman.
Labels: Best of Syanga Naman
Umiiral pa rin daw sa ibang bahagi ng Portugal ang nakakatawang pagpaparusa kay San Pedro ng mga mangingisda lalo na kung masama ang panahon. Dahil raw pinababayaan ni San Pedro na sumama ang panahon, inaakusahan siya ng mga mangingisda na nagpapabaya sa papel niya bilang "Patron ng mga Mangingisda". Bilang parusa, katulad ng ginagawa ng mga magulang sa pilyong bata, inihaharap nila ang estatwa ni San Pedro sa sulok ng dingding para magmukmok maghapon. Marahil napapatawa kayo sa ganitong kaugalian. Pero kapag tayo'y nagdarasal at "ang kinukulit nating Diyos ay yaong napaka-makapangyarihan na pwedeng sakalin ng ating daliri," eh di parang ginagawa na rin natin ang kaugaliang ito. Siguro, para maiwasan ito, sa halip na dumaing na lamang at humingi, subukan nyo sa inyong panalangin pagkagising o bago lumabas ng bahay ang simpleng pagbati sa Diyos ng ganito: "Lord, what can I do for you today?" Syanga naman.
Labels: Best of Syanga Naman
Bakit nga ba merong hindi makatagal sa mga magulang na natutuwang ipagmalaki ang kanilang mga anak halimbawa kung sila ay binuwenas na makatungtong sa Ateneo, De la Salle, UP, Harvard, Princeton, Fordham, Georgetown , atb. Ba't parang di nila malunok ang katuwaan ng ganitong mga magulang? Naaasbukan yata sila. Alam nyo, kung hindi nyo masikmura ang ganitong pagmamalaki, siguro ang mas-mayabang ay kayo. Bakit? Sapagkat, maaari ngang hindi kayo maasbok; pero ang katotohanan na hindi nyo masikmura ang pagmamalaki ng iba ay isang uri ng kataasan. Maaaring nayayabangan kayo sapagkat humble kayo compared sa kanya. Pero ang hindi nyo masikmura ang rightful na pagmamalaki at katuwaan ng isang magulang ay isa na ring malinaw na porma ng false humility. Ang tawag dito sa tagalog ay "kaasbukan" rin. Opppps, dahan-dahan, hwag kayong magagalit sa akin. Tanggap ko na meron talagang taong maasbok. Pero pinapapag-isip ko rin po kayo. Saka kayo magalit sa akin matapos nyong mapagnilayan ito. Syanga naman.
Labels: Best of Syanga Naman
Nang bata pa akong pari, wala pang back pains at wala pang kamuwang-muwang sa daigdig ng diplomacy, nasasagwaan ako noon sa red tape na para lang madalaw ang isang tao ay kailangan pang makipag-appointment. Para bang walang personal touch, naks! Ang akala ko kasi noon ay arte lang yun dahil nagpapa-importa sila. Ngayong mahigpit na ang kompetisyon ng itim at puti kong buhok kung alin ang mas madami, natanto ko na ang pagsi-set ng appointment ay pagbibigay pala ng importansya doon mismo sa akin bilang bisita at hindi doon sa dinadalaw. Meron ngang kasabihan na nagsasabing,"punctuality is the courtesy of kings". Ibig sabihin, dahil napaka-busy ng hari, ang pagbibigay niya ng audience sa bisita ay isang priceless na regalo. Kaya nga, bilang ganti ng humihingi ng appointment, ang karapat-dapat lang kapalit sa panahong ipagkakaloob ay ang dumating sa oras. Siguro, ang rekomendasyon ko sa ilang ipinaglihi yata sa pagiging huli, ay mabuti pang humingi ng biyaya na makapag-bilocate katulad ni Padre Pio. Bakit? At least kung may peligro na mahuhuli kayo sa appointment ay may isa pa kayong "kakambal na sarili" na mag-aappear doon sa tagpuan ninyo nang tama sa oras. Kaso, para makapag-bilocation kayo, may kondisyon. Una, kailangang magpapakabanal kayo tulad ni Padre Pio. Pangalawa, kailangang may butas din ang mga kamay at paa nyo tulad ng mga sugat ni Kristo sa mga kamay at paa ni Padre Pio. Kung di nyo trip ang dalawang kondisyong ito, kalimutan na lang nyo ang "Filipino time". Palitan nyo ito ng, "Time is gold", kung baga sa tagalog ay "You'll never pass this way again." Syanga naman.
Labels: Best of Syanga Naman
Feeling that she was already that smart, sinabi ng isa kong kaibigan ang plano niyang magpundar ng dalawang funeral homes. May nagpayo kasi sa kanya na ang negosyong ito ay walang talo. Walang taong magnanakaw ng ataul. Ang customers pa mismo ang magagalit kong aalayan mo sila ng discount o hiling na mas-maliit na kabaong. Pero alam po nyo, nagulat ako nang bigla na lang siyang nag-preno sa kanyang plano . Bunga ng pagkaka-kwento niya kay Mayor at Kapitan tungkol sa kagandahan ng ganitong venture habang ipina-process niya ang papers ng negosyo sa munisipyo, natuklasan na lang niya, two weeks after, na may sumulot sa kanyang idea. Magsusulputan raw ang funeral homes na parang McDo. Joint venture daw kasi ito ni Mayor, ni Kapitan at ni Hepe, bagama't hipag ni Konsehal ang front. Kaya nga, dear readers, pwede po ba, bagama't kailangan po natin ang services ng funeral homes, gamitin naman natin ang ating creativity sa pag-iisip ng unique ventures. Otherwise, kung di mapipigilan ang pag-usbong ng chain of funeral homes, di lang McDo ang dadami kundi pati na rin ang "McKabaong". Mas-class sa ingles, "McCoffin". Nagbibiro po ako, pero ang gusto ko talagang sabihin, higit sa biro, ay ito: "Hindi po honest ang manulot sa business o sa anupaman, lalo na kung ang sinulot ninyo ay dukha. Iyan ang naging kapahamakan ni Haring David, nang sulutin niya sa Bathsheba na asawa ng kapitan ng kanyang hukbo na si Uriah." Syanga naman.
Labels: Best of Syanga Naman
Nang magwagi ang boksingerong si Manny Pacquiao laban sa Meksikanong si Erik Morales, muling nagkameron ng sense ang pagsisikap at pagsasakripisyo ni "Juan de la Cruz". Coincidentally, nang marinig nila na ang 12-year old na si Cristina Bugayong ng Quezon City ay nagsauli ng napulot na package na naglalaman ng cash at checks worth P300,000, muling na-inspire ang mga noypi sa kanyang honesty, decency at propriety. Salamat, Manny at Cristina. Mabuhay! At alam nyo, dahil sa pasalubong na galak nina Manny at Cristina para sa mga noypi, marami tuloy ang nagbiro na mainam sigurong maging presidente ng Pilipinas si Manny Pacquiao. Siguro, dahil kayang-kaya niyang mag-distribute ng libreng black eye/s para sa mga pabaya, bantay-salakay o abusado sa kanilang responsibilidad at kapangyarihan. Kayang-kaya siguro ni ka Manny na gumawa ng black eye na iba't iba ang design. Gusto po nyo? Syanga naman.
Labels: Best of Syanga Naman
Ngayong nalalapit na muli ang religious Summer events, hwag po kayong magagalit kung may ipapa-ala-ala ako sa inyo. Gusto ko kasing hindi kayo bumagsak sa patibong ng maka-ahas na talino ni Pareng Taning (Satanas). Alam po nyo, kahit pa gaano kaganda ng plano nyo, gagawa at gagawa ang dyablo na umentra sa bandang huli upang maagaw ang eksena. Sisimple sya in the form of a very tiny error na pwedeng lumaki bilang misunderstanding at pwedeng lumagablab at sumira sa lahat ninyong ipinuhunang samahan, panahon, gastos, dasal at talino. Magbantay kayo na hindi makasingit ang Diyablo na parang kalawang in the form of pride at intriga. In short, kung may pumalpak o sumulpot na depekto sa plano , ang dapat gawin ay hanapin kaagad ang solusyon hindi ang kung sino ang dapat sisihin. Kung ang mali ay nag-produce ng apoy, sugpuin ito kaagad sa pamamagitan ng ministry ng pagiging "tulay". Ito ang adult response. At ang mga "outsiders" naman ay di dapat padadala sa panghihikayat ni Taning (Satanas) na ang mali at hinanakit ay magatungan pa ng mga unfounded na interpretasyon. At kahit well-founded ang interpretasyon, charity dapat ang maging batas ng bawat solusyon. Iwasan na ang misunderstanding ay maging hinanakit-bukid. Matuto sa TV series na "Everybody Loves Raymond". Huwag magtanim. "Magtanim ay di biro. Maghapong nakanguso." Hwag ibigay kay Taning ang "huling halakhak". Syangang syanga naman.
Labels: Best of Syanga Naman
Subscribe to:
Posts (Atom)