“Ang butihing Pinoy ay ngiti ng Diyos sa lupa.”

IgCo 100% Natural Colostrum Skim Milk

IgCo 100% Natural Colostrum Skim Milk
Experience the health benefits! Now available in the Philippines
Showing posts with label December. Show all posts
Showing posts with label December. Show all posts

Disyembre 2009

Tema ng Mensahe para sa World Day of Prayer for Peace: Protecting Creation. Tuwing 1 Enero ipinagdiriwang din natin bukod sa Bagong Taon at “Kapiyestahan ni Maria bilang Ina ng Diyos”, ang “World Day of Prayer for Peace”. Laging may special message ang Papa para sa mga lider at diplomats ng lahat ng bansa. Kay ganda ng itinerary ng bawat taon kung uugatin sa kanilang mga pamagat: Nang 2006 ang pamagat ng World Day of Peace Message ay: “In Truth, Peace”; nang 2007 ay “The Human Person, the Heart of Peace”; nang 2008 ay: “The Human Family, a Community of Peace”; Nang isang taon ay: “Fighting Poverty to Build Peace”. at ngayon namang 2010 ay: “If You Want to Build Peace, Protect Creation”.

Tama nga naman ang sinabi ng Papa bago dumating ang Pasko: Ang kwento ng sabsaban sa belen ay hindi isang pabula o kathang-isip na para sa mga bata lamang. Ang pagkakatawang-tao ng Salita ay kasagutan sa human condition na nangangailangan ng kapayapaan. Ang kwento ng Pasko ay bahagi ng “Peace Plan”. Laan ito para sagipin ang daigdig hindi lang sa pamamagitan nina Jesus, Jose at Maria kundi sa pamamagitan rin ng mga yagit na mga pastol. Walang paboritismo ang Diyos sa pagpili ng mga tauhan na sasagip sa human condition. Syanga naman.

Bakit Mainit ang Ulo ng mga Toro sa Bagong Taon. Tradisyon sa Italya, ganon din sa ibang bansa, na sa paghahati ng taon ay itinatapon sa labas ng bahay ang mga lumang furnitures at iba pang gamit nila. At marami dito ay mukha pa ring bago. Tiba-tiba naman yung ibang walang pambili dahil arimunan din. He he he he. Marami ding mga toro ang maiinit ang ulo kapag Bagong Taon dahil maraming nagsusuot ng kulay pula. Syempre, dito sa Pinas, alam na natin na kaya tayo’y nagpapaputok, ayon na rin sa mga kababayan nating Chinese, ay para bugawin ang lahat ng uri ng malas. At marami sa malas na ito ay mga donation ng Dyablo. Dito naman sa Pinas ang namumula ay hindi lang mga t-shirts kundi pati mga budget at bulsa. Pero okey lang yun kung mga essentials naman ang binili at mga essential na tao sa likod ng essential na dahilan ang mga napagbigyan. Syanga naman.

Background Investigation kay Jesus. Katulad ng mga Pinoy, natutuwa ang mga Hudiyo na makasama sa record ng kanilang family tree ang mga sikat na ninuno. Pero nang isulat ni San Lukas ang family tree ni Jesus, sinadyang inilagay ang ngalan ng mga babae, gaya nina Tamar, Rahab, Ruth at Bathsheba, kahit ang uso noon ay pulos mga lalaki lang ang dapat nasa talaan. Hindi lang sila mga babae kundi mga banyaga at ang iba ay hindi kapuri-puri ang curriculum vitae dahil sa kanilang “talanding kahapon”. Kasama sa family tree din ay si Haring David na naging mamamatay-tao at mang-aagaw ng asawa. Samakatwid, para kay San Lukas, ang family tree ni Jesus ay kasaysayan ng awa at patawad ng Diyos, ng pagkilala sa dignidad ng kababaihan, ng pagkilos ng Diyos kahit sa mga dry moment ng buhay at sa katapatan ng Diyos sa pangako niya simula pa kay Abraham. Sa diwa nito, sa Paskong darating, sundin natin ang payo ni San Agustin: “Ipagkatiwala ang nakalipas sa awa ng Diyos; ang ngayon sa pag-ibig Niya; at ang bukas sa Kanyang Providence .” Syanga naman.

Dahil sa Dalawang Buntis. Ang Magnificat ay ang awit ng papuri ni Maria sa Diyos. Sagot ito sa mga tinuran ni Isabel nang bisitahin siya ni Maria. Ito ang buod ng personal niyang karanasan sa Diyos na tapat sa Kanyang pangako.

Makikita sa awiting Magnificat na si Maria ay hindi basta-basta typical cute housewife, kundi isang lider. Nasasalamin sa awitin na tipo rebolusyonaryo ang conviction niya. Nagtuturo ito sa mga dukha na maging matibay at magkaisa. Masasabing “Propeta siya ng mga dukha”. Alam ba ninyo na nang panahon ng rebolusyon, dinadasal ng mga taga El Salvador ang Magnificat bilang isang “anting” patungo sa liberasyon? Hindi lang ito awitin ni Maria kundi ng buong Simbahan. Kaya nga bahagi ang Margnificat ng Panalanging pang takipsilim. Ang bokasyon ni Maria ay ating bokasyon. Mababakas sa Magnificat na para kay Maria ang pananampalataya ay higit pa sa paniniwala sa isang credo o set of beliefs. Hindi ito isang baston ng diwata o abracadabra. Bagkus, ang pananampalataya ay isang pagtatalaga ng sarili sa katotohanan, katarungan, pag-ibig at awa ng Diyos.

Ipinakita rin ng Magnificat na ang kasaysayan ng daigdig ay binago hindi lang sa pamamagitan ng mga bayaning presidente at mga general kundi ng dalawang buntis. Syanga naman.

Christmas Text. Nang araw ng Pasko, nakatanggap ako ng mainit na pagbati mula sa mag-asawang Regina Matias at Manny mula New Jersey . Heto ang aking sagot: “Merry Christmas din sa inyo dyan. Wala ditong snow, di tulad diyan. Pero sa SM at Robinsons ay merong mga maliliit na stage sa corridor ng mga pictures ng snow. Maraming mga nagpo-posing-posing. Akala yata ay napakasarap ng 18 inches na snow. Ha ha ha ha ha. Okey naman dito. Nakaka-awa nga lang ang mga nagsilikas sa Albay dahil sa Mayon volcano. Pero sa tantya ko, mas maraming Pinoy ang nagsilikas patungong abroad dahil sa pamumuno nina … alam nyo na.” Syanga naman.

Tarpaulin Age. Nang idaos ang “Days in the Diocese”, nang bumisita ang ilan daang mga kinatawan ng Asian Youth Day 2009 sa Lipa, nag-anunsyo ang Commission on Youth sa pamamagitan ng tarpaulin. Naku po, nang gumala ako para tingnan ang kanilang posters, naging dwende ito at di mapansin sa dami ng tarpaulin. Merong mga posters na nag-aanyayang magpa-register sa darating na halalan, pero mas malaki pa ang mukha kaysa mensahe. Merong poster ng samut-saring patalastas ng business establishments. Bukod pa ang tarpaulin ng mga nakapasa sa Board o ng bagong attorney o doktor. Palakihan ng tarpaulin. Nawalan na tuloy ng negosyo ang mga magaling mag-drawing at mag-lettering sa katsa. Lahat ay utang ngayon sa digital technology. Hmmmmm… ano naman kaya ang kasunod ng tarpaulin age? Abangan sa 2010. Syanga naman.

The Hero Within. Nagtataka ako kung bakit parang nahihipan na ng hangin ngayon ang mga tao na huwag maging involved sa social issues. Parang bihira na ang interesado na matuklasan ang “the hero within”. Kasi siguro, kapag pumasyal sila sa SM ay nakakalimutan na nila ang kanilang problema. Kapag nagbabad sila sa computer ay marami silang “realities” na naso-solve. Kaya naman maraming mga bata ngayon ang overweight dahil hindi nagso-socialize at hindi pinapawisan. Kahit panliligaw ay hindi na rin pinaghihirapan dahil dinadaan sa text at sa chat. Nawala na ang challenge na mag-igib ng tubig, magsibak ng kahoy at paglatagan ni Nanay ng banig kapag bumibisita sa Romeo kay Julieta. Medyo di na yata applicable ang sinabi ni Ninoy na “Di ka nag-iisa”. Kung buhay pa siya ngayon, siguro ang sasabihin niya ay ito: “Hoy, Palagi ka na lang nag-iisa”. Syanga naman.

Syanga Naman, Disyembre 2008

1. Naluma ang kanilang Magna at Summa cum Laude. Minsan ay nag-session sa Judicial Committee ng kongreso. Pinagtalunan nila kung ang bibe (duck) na nasa kanilang harapan ay bibe nga. Halos lahat ay gigil na gigil. Ang tuka kasi ng naturan ay sa bibe. Kung maglakad ay parang bibe. Kung lumangoy ay parang bibe. Ang paa ay bibeng-bibe. Ang behind nito ay lalo nang bibeng-bibe. Ang sabi ng CBCP ay hindi naman ito manok. Hindi rin ito gansa. Hindi rin ito turkey. Lalo nang hindi ito kalapati. Hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy kung ito ay bibe. Wala raw substance ang alegasyon na ito ay bibe. Lalong lumabo ang usapin nang dalhin ito sa plenary ng kongreso. Napahiya kasi ang kanilang pagiging magna at summa cum laude sa technical question na: "Do you have proofs na ito ay bibe?". Hmmmmm … Syanga naman.

2. "Kung ako ay pangulo ... Bow!" Kung ako ay pangulo, kaso ay hindi, hindi ko dapat ipagmalaki na ang malaking asset ng Bansa ay ang kinikita ng kanyang mga migrant workers. Dapat ko pa nga siguro itong ikahiya dahil kaya sila umaalis ay dahil nalulusaw na ang kanilang pag-asa sa mga hagupit ng "tadhana". Kung ako ay pangulo, kaso ay hindi, di ko kayang ipagmalaki ang medical tourism: maluwag na pagbibili ng mga lupain para pagtayuan ng mga bahay bakasyunan at permanent residence ng mga retired na banyaga, para naman pagsilbihan ng ating mga nurses bilang nurses at iba pang papel. At dahil sa "proliferation" ng nurses, sila pa ngayon ang nagbabayad sa mga ospital para sa kanilang OJT. Kung ako ay pangulo, kaso ay hindi, hindi ako magsasayaw ng cha-cha. Hindi kasi pwedeng sumayaw ng Cha-Cha sa tugtog ng "Lupang Hinirang". Kung ako ay pangulo, kaso ay hindi, matatakot ako na maging pangulo. Bakit? Una, dahil oras na ma-addict ako sa pagiging pangulo, napakahirap umatras pabalik dahil oras na ako ay umatras, maraming sibat at punglo na nakaumang mula mismo sa mga taong aking pinaniwalaang dapat mahalin at pwedeng pagkatiwalaan. Pangalawa, oras na ako ay ma-addict sa pagka-pangulo, pwede akong magpakabulag sa paniniwala na ang mas mabuting kuhaning advisers ay ang mga katulad kong bulag at nagbubulag-bulagan kaysa sa "Lord of History". Kaya nga, sa halip na maging pangulo, nagiging isa lamang akong panggulo. Syanga naman.

3. Horror Movies. Paano ba uunlad ang Filipino film industry, hindi pa naipapalabas ang sine sa mga moviehouses ay pwede nang bilhin ang illegal na kopya ng mga pelikula bilang DVD kahit sa tabing-daan? Kaya naman, dumalang na ang sineng pinoy. Wala na ngayong mapanood ang pinoy kundi ang mga sumusunod na pinagtitiyagaan nilang serye: "Hello, Garci", "Fertilizer Deal", "NorthRail Transit", "NBN-ZTE Deal", "MOA sa Mindanao" at "Euro Dollars". Ang pangit lang ay walang "The End" ang mga "palabas" na ito. Walang iniwan sa horror story na laging nagpapahayag sa huling eksena na meron pa itong horror episode na karugtong. Syanga naman.

4. "Maging handa kayo": Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ngayong Advent at sa darating na Christmas season, laging ipinaaala-ala sa atin ng Ebanghelyo na maging handa sa pagdating ng Panginoon. Para sa akin, ang pagiging handa ay makakamit sa pamamagitan ng perseverance. Para kay Pope Benedict, ang pagiging handa ay nangangahulugan din ng "hindi pagpapaliban sa mabubuting gawa na dapat gawin ngayon." "Kasama ng pagiging handa", dagdag ni Pope Benedict, "ang pagbubukas ng puso sa pag-asa". Ang mundo kasi ng maraming nasirang pangako ay nagdudulot ng maraming dahilan para tayo maging pesimista o para matakot. Panahon muli ngayon ng pagsamba at pagninilay. Panahon na tikman muli kung paano lumaya sa mentalidad na maangkin ang "lahat" at "sa isang iglap". Panahon ito ng paghihintay sa isang "Someone" kaysa "something". Sa pamamagitan Niya, laging posible na may magawang mabuti at maganda ang tao ngayon para sa kinabukasang galing sa Diyos. Syanga naman.

5. Ang kabayanihan ay hindi lamang nasa quality ng kamatayan. Dahil medyo abstract ang salitang pag-asa, magbibigay ako ng sample ng konkretong kahulugan nito. Ang isang sample ng pag-asa, in concrete, ay kung itinatalaga mo ang pagkatao at posisyon mo bilang daluyan ng katarungan at mabuting gawa. Dahil sa kabayanihan mo sa gitna ng bagyo, pati ang iba ay lumalakas ang pag-asa. Samantala, kapag ikaw ang "nakaupo" at bumigay ka sa kultura ng "lagay", sapilitang "S.O.P.", panggigipit lalo na sa mga mahirap, nagiging balakid ka sa daloy ng pag-asa na nanggagaling sa Diyos. Bahagi ng pag-asa ang paniniwala na "ang kabayanihan ay di lamang nasa quality ng kamatayan kundi nasa quality, lalo't higit, ng buhay," i.e., ng pagsunod at pagpapasunod. Syanga naman.

6. Mga pamaskong regalo ngayong "Pauline Year at Marian Year". Minsang natunghan ko ang Zenit, nabasa ko ang isang payo ni Padre Rossica ng Canada , isang Basilian priest: This Advent, allow me to suggest that you mend a quarrel. Build peace. Seek out a forgotten friend. Dismiss suspicion and replace it with trust. Write a love letter. Share some treasure. Give a kind answer even though you would like to respond harshly. Encourage a young person to believe in him/herself. Manifest your loyalty in word and deed. Keep a promise. Find the time. Make time. Forego a grudge. Forgive an enemy. Celebrate the sacrament of reconciliation. Listen more. Apologize if you were wrong. Be kind even if you weren't wrong!

Idinagdag rin niya: Try to understand. Flout envy. Examine the demands you make on others. Think first of someone else. Appreciate. Be kind, be gentle. Laugh a little. Laugh a little more. Deserve confidence. Take up arms against malice. Decry complacency. Express gratitude. Go to Church. Stay in Church a little while longer than usual. Gladden the heart of a child. Take pleasure in the beauty and wonder of the earth. Speak your love. Speak it once again. Speak it even more loudly. Speak it quietly. Rejoice, for the Lord is near! Syanga naman.

7. Pamaskong Bonus na "siksik, liglig at umaapaw". Para sa mga maka-Diyos, kagaya ni Abraham, "ang kaligayahan niya ay iyon mismong kalinisan ng kanyang kalooban at ang mapaglingkuran ang Diyos at kapwa nang buong pag-iisip, nang buong puso at lakas". Kahit si Abraham ay inabot ng katandaan na walang anak, ni gaputok man ng pagrereklamo ay walang narinig ang Diyos mula sa kanya. Kaya nga, ang pagdating ni Isaac bilang kanyang anak ay naging bonus na lamang sapagkat ang mismo niyang kaligayahan kahit bago pa siya pagkalooban ng anak ay tanging ang Diyos lamang. Kaya nga, mga giliw naming mga mambabasa ng "The Filipino Catholic" sa New York at New Jersey, at ng "Ulat Batangan" sa Archdiocese of Lipa, ganon din, sa mga sumusubaybay sa "Syanga Naman" sa e-mail at sa blogspot (http://siyanganaman.blogspot.com), laging tandaan na ang pamasko ng Diyos na "siksik, liglig at umaapaw" ay bonus na lamang para sa isang pusong wagas na nagmamahal sa Diyos. Magkaroon nawa kayo ng kaloobang katulad ng kay Abraham at Maria. Merry Christmas and a Meaningful 2009. Syanga naman.