“Ang butihing Pinoy ay ngiti ng Diyos sa lupa.”

IgCo 100% Natural Colostrum Skim Milk

IgCo 100% Natural Colostrum Skim Milk
Experience the health benefits! Now available in the Philippines

Enero 2009

1. Hello and Goodbye! Habang ang mga bakasyonista ay namamaalam sa Belen, Christmas tree at Santa Claus, naka-telecast naman sa ilang morning TV programs ang storing tips o kung papaano igagarahe ang Christmas lights at décor sa kani-kanilang taguan. Opppps, huwag na huwag ninyong isasama sa taguan ang pagpapatawaran at pagbibigayan! Hwag kalimutan na ilang beses din kayong naki-awit na… “At magbuhat ngayon, kahit hindi Pasko ay magbigayan”. Take note, kasama sa pagbibigayan ang pagbibigay ng “the best” natin anuman ang ating ginagawa. Dahil dito, lakas-loob nating isigaw:“Goodbye Christmas vacation; Hello, school, books and notebooks!” Huwag matakot sa mathematics! Goodbye sa pagbangon nang tanghali na. Ang mga sakripisyo tuwing schooldays ay pampalasa ng buhay. Ang mga ito ang nagpapasaya ng bakasyon. Syanga naman.


2. “Pastoral” music para sa Misa. Ako po ay di magaling kumanta. Ang katuwaan ko po naman ay ang makinig ng musika. Sa akin pong pakikinig narito ang aking mga napupuna: May mga awitin sa radyo at sa simbahan na maganda ang lyrics pero pangit naman ang melody. Resulta? Maingay sa ulo ang effect ng mga ito. Meron namang pieces na maganda ang melody pero mababaw naman ang lyrics. Siguro magandang malaman ng choir directors na merong awitin na mas bagay sa konsyerto kaysa Misa. Kahit ano pang ganda ng polyphony, lyrics at rendition nito sa loob ng Misa, mahihirapan pa rin ang Espiritu Santo na patagusin ang mensahe nito sa puso lalo na kung ang melody nito ay walang bakas ng liturgical solemnity. Ganon din, maganda kung ang pag-awit sa Misa ay pastoral, i.e., naghahatid o nagpapastol ito ng mga sumisimbang tupa tungo sa Panginoon at hindi tungo sa paghanga sa choir o choir director. Syanga naman.


3. Mga sawimpalad sa Manila Film Festival 2008. Napansin ko nitong festival na mas-maraming entries ang pampasaya at pampatawa, e.g., “Iskul Bukol”, “Desperadas” at “Tanging Ina”. Understandable lang, di po ba, na si Juan de la Cruz ay pasayahin? Ang malungkot nito, meron po akong inabangang mga winners pero hindi po nanalo. Sawimpalad! Wala ni isa sa mga opisyal mula sa Malacañang, Kongreso, Senado, Department of Justice at Supreme Court ang lumabas bilang winner. Di po ba dapat lang nating taguriang Best Actor yun pong mga senador o congressmen na umaasbok sa init kapag nakikipag-debate o nag-iimbestiga sa session hall pero table mates naman pala sila ng mga ini-interrogate o ka-debate nila over a piece of “hambordyer”. Di po ba best actor/actress yaong mga makabayan sa mga talumpati sa plaza, radyo at TV pero kabaliktaran naman ang ipinapakita sa kanilang politika at pamamalakad. Kaya, sana po next time ay dapat maging maingat na ang mga hurado ng film fest sa pamimili ng best actor at actresses. Syanga naman.


4. Pagtatayo ng Kapayapaan sa pamamagitan ng Pagwasak sa Karukhaan: Ito po ang pamagat ng mensahe ni Pope Benedict XVI (B16). Laan po ang mensaheng ito para sa mga presidente, prime ministers, diplomats, at mga pinuno ng iba’t-ibang relihiyon nitong World Day of Peace, ika-1 ng Enero 2009, Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos. Sinabi ni B16, kung tutuusin “ang karukhaan (poverty) ang ugat ng mga digmaan at civil war”. Ang solusyon sa karukhaan ay hindi ang pagsugpo sa pagdami ng tao kundi ang pagsugpo sa maraming taong biniktima ng naghaharing-uri sa pamamagitan ng panggigipit at dahas.

Ang solusyon sa karukhaan ay hindi ang pagpapadala ng saku-sakong condom sa mga nagdarahop na biktima ng AIDS kundi ang paggagamot sa moral issues na may kaugnayan sa pagkalat ng virus. Sa tuwing may mga babae na biktima sa lipunan ng mga macho, ang laging nagdurusa ng kahirapan ay ang mga bata.

Sa mga bansa na hinahagupit ng global recession, ang solusyon ay ang kooperasyon sa legal at economic level upang makapag-ugit at makapagpasunod ng mga batas na pakikinabangan hindi lang ng mga mismong umuugit ng batas. Bagay na bagay rin ang mga payong ito ng Papa para sa bansa ni Juan de la Cruz na pinapapagdusa hindi lang ng economic crisis kundi lalo’t higit ng credibility crisis. Syanga naman.


5. Syanga Naman mosaic. Hanggang ngayon ay meron pa ring nagtataka kung bakit ang style ng column na ito ay parang pagtatagpi-tagpi ng iba’t-ibang topic. Kasi po, ang trip ko ay ang makapagbuod ng maraming topics bawat buwan kaysa makapaglathala ng isa lang article na pinahaba at pinalalim ng maraming supporting footnotes at sources. Para sa akin, mas-masaya kung maraming topic at tag-lish, di po ba? For a change, ika nga. Syanga naman.


6. Rizal Day. Naniniwala ako sa sinabi ni Conrado de Quiros mula sa isa niyang mga columns: “Ang kabayanihan ay makikita hindi lang sa kamatayan. Makikita rin ito lalo’t higit sa kung papaano tayo nabubuhay.” Totoo rin ito kung iuugnay sa buhay-kabanalan. Sa katunayan, parang mas-madali ang mamatay na martir kaysa magtiyagang magpakabanal araw-araw sa gitna ng karamdaman, pagkakautang, pag-iisa, pag-uusig, at pagkabigo. Di po ba? At “silang nag-aalay ng buhay dahil sa pag-ibig at katarungan ay di namamatay”(B16). Syanga naman.


7. New Year’s Resolutions. Hindi sapat na dahilan na porke hindi natin nagaganap lahat ang ating New Year’s resolutions ay hindi na tayo gagawa pa kailanman ng mga resolutions. Hwag naman. Hwag tayong magpatalo sa espiritu ng cynicism. Sa totoo lang, walang kasaysayan ang araw-araw nating pagdarasal kung wala tayong resolution of the day. Walang kasaysayan ang sermon kung hindi ito nag-iiwan ng hamon o resolution sa mga sumisimba sa araw na iyon. Maging masugid lang tayo sa pagsasakatuparan ng ating daily resolutions ay pagkakalooban tayo ng bonus na “fruits of the Holy Spirit”, gaya ng charity, at joy. Sa pamamagitan ng bonus na “bunga ng ng Espiritu Santo”, hindi magiging maganit ang pag-akyat natin sa bundok ng kabanalan. Sa halip makakagawa tayo ng mga dakilang bagay na laging may ngiti sa mga labi at kislap sa mga mata (Easter Joy). Syanga naman.


8. Flying Bread. Tanda pa nyo kung sino si Muntadhar al-Zeidi? Siya ang Iraqi na bumato ng sapatos na kasimbilis ng Scud missile kay Presidente Bush matapos makapag-update ang huli sa isang press conference tungkol sa Afghanistan at Iraq nitong nakalipas na December 2008. Biro ng iba, pwede sigurong irikemonda si Mr. al-Zeidi na maging “patron” ng goodbye kiss, baseball pitcher o kaya ng mga magsasapatos. Sa Europa, ang ibinabato nila sa mga lingkod-bayan na di maka-deliver ay itlog na hilaw. Sa bayan ni Juan, hindi dapat mangyari na ang maibato ay flying bread. Hindi dahil masasayang lang ang tinapay kundi dahil very hazardous kung nakalagay pa ang tinapay sa garapon. Kung bakit hindi ito ginawang big deal ng mga Kano bilang diplomatic case lalo pa’t ginawa ito sa kanilang head of state, hindi na tayo dapat masyado pang mag-isip. Alam nilang maliit pa ito kaysa langgam kung ihahambing sa diplomatic mistake na ginawa ng Bush administration. Sa unang tingin, ito ay aral para kay Presidente Bush lamang. Syanga naman.

Syanga Naman, Disyembre 2008

1. Naluma ang kanilang Magna at Summa cum Laude. Minsan ay nag-session sa Judicial Committee ng kongreso. Pinagtalunan nila kung ang bibe (duck) na nasa kanilang harapan ay bibe nga. Halos lahat ay gigil na gigil. Ang tuka kasi ng naturan ay sa bibe. Kung maglakad ay parang bibe. Kung lumangoy ay parang bibe. Ang paa ay bibeng-bibe. Ang behind nito ay lalo nang bibeng-bibe. Ang sabi ng CBCP ay hindi naman ito manok. Hindi rin ito gansa. Hindi rin ito turkey. Lalo nang hindi ito kalapati. Hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy kung ito ay bibe. Wala raw substance ang alegasyon na ito ay bibe. Lalong lumabo ang usapin nang dalhin ito sa plenary ng kongreso. Napahiya kasi ang kanilang pagiging magna at summa cum laude sa technical question na: "Do you have proofs na ito ay bibe?". Hmmmmm … Syanga naman.

2. "Kung ako ay pangulo ... Bow!" Kung ako ay pangulo, kaso ay hindi, hindi ko dapat ipagmalaki na ang malaking asset ng Bansa ay ang kinikita ng kanyang mga migrant workers. Dapat ko pa nga siguro itong ikahiya dahil kaya sila umaalis ay dahil nalulusaw na ang kanilang pag-asa sa mga hagupit ng "tadhana". Kung ako ay pangulo, kaso ay hindi, di ko kayang ipagmalaki ang medical tourism: maluwag na pagbibili ng mga lupain para pagtayuan ng mga bahay bakasyunan at permanent residence ng mga retired na banyaga, para naman pagsilbihan ng ating mga nurses bilang nurses at iba pang papel. At dahil sa "proliferation" ng nurses, sila pa ngayon ang nagbabayad sa mga ospital para sa kanilang OJT. Kung ako ay pangulo, kaso ay hindi, hindi ako magsasayaw ng cha-cha. Hindi kasi pwedeng sumayaw ng Cha-Cha sa tugtog ng "Lupang Hinirang". Kung ako ay pangulo, kaso ay hindi, matatakot ako na maging pangulo. Bakit? Una, dahil oras na ma-addict ako sa pagiging pangulo, napakahirap umatras pabalik dahil oras na ako ay umatras, maraming sibat at punglo na nakaumang mula mismo sa mga taong aking pinaniwalaang dapat mahalin at pwedeng pagkatiwalaan. Pangalawa, oras na ako ay ma-addict sa pagka-pangulo, pwede akong magpakabulag sa paniniwala na ang mas mabuting kuhaning advisers ay ang mga katulad kong bulag at nagbubulag-bulagan kaysa sa "Lord of History". Kaya nga, sa halip na maging pangulo, nagiging isa lamang akong panggulo. Syanga naman.

3. Horror Movies. Paano ba uunlad ang Filipino film industry, hindi pa naipapalabas ang sine sa mga moviehouses ay pwede nang bilhin ang illegal na kopya ng mga pelikula bilang DVD kahit sa tabing-daan? Kaya naman, dumalang na ang sineng pinoy. Wala na ngayong mapanood ang pinoy kundi ang mga sumusunod na pinagtitiyagaan nilang serye: "Hello, Garci", "Fertilizer Deal", "NorthRail Transit", "NBN-ZTE Deal", "MOA sa Mindanao" at "Euro Dollars". Ang pangit lang ay walang "The End" ang mga "palabas" na ito. Walang iniwan sa horror story na laging nagpapahayag sa huling eksena na meron pa itong horror episode na karugtong. Syanga naman.

4. "Maging handa kayo": Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ngayong Advent at sa darating na Christmas season, laging ipinaaala-ala sa atin ng Ebanghelyo na maging handa sa pagdating ng Panginoon. Para sa akin, ang pagiging handa ay makakamit sa pamamagitan ng perseverance. Para kay Pope Benedict, ang pagiging handa ay nangangahulugan din ng "hindi pagpapaliban sa mabubuting gawa na dapat gawin ngayon." "Kasama ng pagiging handa", dagdag ni Pope Benedict, "ang pagbubukas ng puso sa pag-asa". Ang mundo kasi ng maraming nasirang pangako ay nagdudulot ng maraming dahilan para tayo maging pesimista o para matakot. Panahon muli ngayon ng pagsamba at pagninilay. Panahon na tikman muli kung paano lumaya sa mentalidad na maangkin ang "lahat" at "sa isang iglap". Panahon ito ng paghihintay sa isang "Someone" kaysa "something". Sa pamamagitan Niya, laging posible na may magawang mabuti at maganda ang tao ngayon para sa kinabukasang galing sa Diyos. Syanga naman.

5. Ang kabayanihan ay hindi lamang nasa quality ng kamatayan. Dahil medyo abstract ang salitang pag-asa, magbibigay ako ng sample ng konkretong kahulugan nito. Ang isang sample ng pag-asa, in concrete, ay kung itinatalaga mo ang pagkatao at posisyon mo bilang daluyan ng katarungan at mabuting gawa. Dahil sa kabayanihan mo sa gitna ng bagyo, pati ang iba ay lumalakas ang pag-asa. Samantala, kapag ikaw ang "nakaupo" at bumigay ka sa kultura ng "lagay", sapilitang "S.O.P.", panggigipit lalo na sa mga mahirap, nagiging balakid ka sa daloy ng pag-asa na nanggagaling sa Diyos. Bahagi ng pag-asa ang paniniwala na "ang kabayanihan ay di lamang nasa quality ng kamatayan kundi nasa quality, lalo't higit, ng buhay," i.e., ng pagsunod at pagpapasunod. Syanga naman.

6. Mga pamaskong regalo ngayong "Pauline Year at Marian Year". Minsang natunghan ko ang Zenit, nabasa ko ang isang payo ni Padre Rossica ng Canada , isang Basilian priest: This Advent, allow me to suggest that you mend a quarrel. Build peace. Seek out a forgotten friend. Dismiss suspicion and replace it with trust. Write a love letter. Share some treasure. Give a kind answer even though you would like to respond harshly. Encourage a young person to believe in him/herself. Manifest your loyalty in word and deed. Keep a promise. Find the time. Make time. Forego a grudge. Forgive an enemy. Celebrate the sacrament of reconciliation. Listen more. Apologize if you were wrong. Be kind even if you weren't wrong!

Idinagdag rin niya: Try to understand. Flout envy. Examine the demands you make on others. Think first of someone else. Appreciate. Be kind, be gentle. Laugh a little. Laugh a little more. Deserve confidence. Take up arms against malice. Decry complacency. Express gratitude. Go to Church. Stay in Church a little while longer than usual. Gladden the heart of a child. Take pleasure in the beauty and wonder of the earth. Speak your love. Speak it once again. Speak it even more loudly. Speak it quietly. Rejoice, for the Lord is near! Syanga naman.

7. Pamaskong Bonus na "siksik, liglig at umaapaw". Para sa mga maka-Diyos, kagaya ni Abraham, "ang kaligayahan niya ay iyon mismong kalinisan ng kanyang kalooban at ang mapaglingkuran ang Diyos at kapwa nang buong pag-iisip, nang buong puso at lakas". Kahit si Abraham ay inabot ng katandaan na walang anak, ni gaputok man ng pagrereklamo ay walang narinig ang Diyos mula sa kanya. Kaya nga, ang pagdating ni Isaac bilang kanyang anak ay naging bonus na lamang sapagkat ang mismo niyang kaligayahan kahit bago pa siya pagkalooban ng anak ay tanging ang Diyos lamang. Kaya nga, mga giliw naming mga mambabasa ng "The Filipino Catholic" sa New York at New Jersey, at ng "Ulat Batangan" sa Archdiocese of Lipa, ganon din, sa mga sumusubaybay sa "Syanga Naman" sa e-mail at sa blogspot (http://siyanganaman.blogspot.com), laging tandaan na ang pamasko ng Diyos na "siksik, liglig at umaapaw" ay bonus na lamang para sa isang pusong wagas na nagmamahal sa Diyos. Magkaroon nawa kayo ng kaloobang katulad ng kay Abraham at Maria. Merry Christmas and a Meaningful 2009. Syanga naman.


Syanga Naman, Nobyembre 2008

1. Effective na "Hail Mary". Si Senator McCain daw ay "gracious in his defeat" at si President-elect Barack Obama naman ay "magnanimous in his victory". Marami tuloy ang humanga sa eleksyon ng mga Kano . Pero balita ko ay ilan ring beses nainggit ang mga Kano sa ating mga eleksyon: Halimbawa, nang panahon ni Marcos nadaig natin ang computers nila. Bago pa magbotohan, alam na natin ang resulta ng bilangan, siyempre - na panalo si Marcos. Kamakailan nga ay humanga din sila sa mga Pinoy dahil nagdasal lang ng "Hail Mary" ang isang kandidato through the cell phone ay nanalo siya. Latin version nga lang ng "Hail Mary" ang kanyang dinasal. Para sa di marunong ng Latin, heto po ang excerpt ng dasal: "Ave Maria, garci plena … Amen". Ha ha ha ha. Syanga naman.

2. Nabatulan na! Kapag dumarating ang November 1 ay laging scene-stealer ang ulan. Para bang binabadya at hinahamon tayo ng ating mga mahal na yumao na "Hoy, maganda nga ang pasalubong mong bulaklak, pero mas trip ko ang mabango mong sakripisyo"; "Hoy, natutuwa ako sa mga dasal at pa-Misa mo, pero mas konkreto at humahalimuyak ang dasal mo kung isinasagawa mo ang mga inihabilin ko sa iyong dapat gawin bago pa ako malagutan ng hininga." Syanga naman.

3. Ibang mukha ng corruption. Ang corruption ay hindi lamang tungkol sa pera at kapangyarihan. Ang corruption ay tungkol din sa mga ideas na pinalalabas na maganda, pero sa loob ay may lamang pigsa (hidden agenda) at kabulukan. Ang kagaya nito ay regalo sa Pasko: ang magandang pabalat ay reproductive health pero ang nasa loob naman ay abortion. Syanga pala, alam ba ninyo na nang maraming namatay sa tsunami sa Indonesia , ang ipinadala kaagad ng UNFPA ay milyong dolyar na condom at iba pang contraceptives sa halip na gamot para sa primary health care. Kulang na lang sabihing, "napakahilig" talaga ng ating kapit-bansa. Kung ikaw kaya ay nasunugan ng bahay, tapos ang ibinagsak sa iyong regalo ay isang sakong condom, ano ang sasabihin mo. Siguro hindi mo sasabihing - Syanga naman.

4. Pusong may mata. Ang tatak ng disipulo ay ang pagkakameron ng puso. Pero dapat ang puso niya ay may mata na nanggagaling sa discernment. Mas maganda kung ang pusong ito ay merong kamay at paa para maikalat ang nilalaman ng ginintuang puso niya. Syanga naman.

5. Salitang tumatagos sa puso, kahit hanggang ugat. Habang nagko-concede sa pagkatalo si Senator McCain at habang tumatanggap ng karangalan si Obama, nakita ko kung gaano ka-effective ang kanilang talumpati. Inspirational, ika nga. Nakanganga pa nga ang mga tao nang sila'y nagsasalita. Ang iba naman ay lumuluha. Hindi ko alam kung tama ang aking obserbasyon na siguro kaya hindi napapanganga at napapaluha ang mga tao kapag ako ay nagsesermon ay sapagkat nagpapadala minsan ako sa nauuso - na gawing ang sermon ay para na ring isang after-dinner-speech. Hmmmmmmm…siguro ang pampa-kwela at katatawanan ay bagay sa ibang okasyon. Oppppps, baka naman kaya ko nasabi ko ito ay tumatanda na nga ako. Hmmmmmmm. Syanga rin naman.

6. Count-off! Uso dito sa mga opisina, na sa halip na buwanang kalendaryo ang inilalagay sa bulletin board, ang ipinapaskel nila ay ang count-off kung ilang araw na ang natitira bago dumating ang Pasko. Kay ganda nito dahil para bang umiikot ang mga araw nila kay Kristo, ang bida sa inaasam na Pasko. Kaya naman gumagaan ang kanilang kalooban at nalilimutan ang pagod sa ginagawang sakripisyo. Syanga naman.

7. International Customary Law. Sinabi ni Ginoong Lagman na ang reproductive health ay UN-endorsed. Kaso, iba ang pakahulugan niya sa "reproductive health" na inaprobahan sa ICPD (International Conference for Population and Development) na idinaos sa Cairo noong 1994. Ipinagpipilitan niya na napapaloob ang abortion sa reproductive health. Siguro dapat niyang basahin nang husay ang ICPD at yaong 1995 Conference on Women sa Beijing . Meron kasi itong binding effect kaysa mga UN declarations at resolutions na pinagbabatayan niya ng kanyang mga sinasabi.

Bukod roon, ang abortion bilang gusto niyang bahagi ng reproductive health sa Pilipinas ay hindi pwedeng ipalagay na isa sa mga international customary laws. Bakit? Kasi, yung sinasabi niyang UN-endorsed ay lagi na lamang nagpapagulo sa mga matitinong usapan sa mga committees ng UN General Assembly. Kaya tuloy humahaba at nagkakagulo sa UN ang mga usapan para sa kabutihan ng disabled, child-soldiers, peacekeeping, family, etc., ay laging hinahalbusan ng mga like-minded abortion advocates ang mga topic na ito ng paborito nilang flavor na abortion. Sa halip na marating ang consensus sa mga decision making, ang mga resolutions at declarations tuloy ay laging pinagbobotohan na hindi nawawalan ng reservations mula sa significant na mga bansa. Sabi nga nila, sa pagsunod ni Ginoong Lagman sa mga bulong ng UNFPA (UN Fund for Population) at ng iba pang miyembro ng Treaty bodies at NGOs, dapat raw ay ibahin na lang ang kaniyang pangalan. Sa halip na Ginoong Lagman dapat raw ay tawagin na lang siyang … Ginoong Lag(lag)man. Syanga naman.


Syanga Naman, Oktubre 2008

Hindi nga kaya nila alam ito? Nagtataka ako at marami pang nag-iinvoke ng Malthusian Theory na nagsasabing "ang pagdami ng tao sa isang bansa ay nagdadala ng kahirapan." Di pa yata ito alam ng makikisig nating mga congressmen at ng mga kasapi nilang manunulat at broadcasters. O baka ayaw lang nila sabihin na napabulaanan na ang Malthusian Theory scientifically ni Julian Simon sa United Nations mismo. Ewan ko ba kung bakit hindi nila masabi na, sa totoo lang, "ang katiwalian (corruption), ang di malinis na pamamahala ang tunay na pigsa ng kahirapan." Kaya nga, saludo naman ako sa sinabi ni Grand Knight Carl Anderson, ng Knights of Columbus, na ang kahirapan ay dulot ng saloobin na "merong buhay na mas-mahalaga kaysa buhay ng iba…" Halimbawa, meron daw buhay na mas importante kaysa mga nasa sinapupunan pa dahil wala pa raw siyam na buwan. Syanga naman.

***

Hindi yata nila alam. Noong kasagsagan ng isyu tungkol sa reproductive health bill, maraming nagte-text sa mga broadcasters. Bakit pati raw itong RH (reproductive health) ay pinakikialaman ng Simbahan. Wala naman daw karanasan ang mga pari. Well, hindi po yata nila alam na ang mga pari ay nag-eecho lamang ng karunungan ng Simbahan na nakuha through the centuries. Hindi yata nila alam na ang Vatican ay may Pontifical Academy of Sciences na binubuo ng mga social scientists at iba pang uri ng experts sa agham. Actually, hindi sila lahat katoliko. Pero bilang experts nagkakaisa sila sa vision ng Simbahan na ipagtatanggol ang buhay at maisulong ang development with a human face (sustainable development). At hindi lang iyon. Hindi yata nila alam na bukod sa Pontifical Academy of Sciences na ito ay napakaraming layko mula sa Catholic Universities, kahit sa mga State Universities, na nag-aalay ng kanilang expertise para mapangalagaan ang
daigdig. Syanga naman.

***

Setting the record straight. Tungkol pa rin sa isyu ng reproductive health bill, sinabi ng Lubhang Kgg. Edcel Lagman na ito daw "reproductive health ay boses at kagustuhan ng buong United Nations." Hindi po ito totoo. Marami pa pong bansa na lumalaban dito hanggang ngayon. Dati po kasi akong miyembro ng Holy See delegation sa United Nations sa New York (Sept 2002- July 2007) at walang sawa pong ipinapaliwanag sa pwersa ng European Union, ilang bansa sa Latin America at African Union, Canada at iba pang Commonwealth Nations ng United Kingdom ang side ng Simbahan.

Maganda rin po natin malaman na ang UN po ay hindi isang Congress ng isang Super State na kayang ipapakulong ang hindi bumoto sa napagkasunduan nilang resolution o declaration. Ang bawat bansa ay nananatiling may kanyang sovereignty. Walang police power ang UN para parusahan ang Holy See , El Salvador , Poland , Ireland , atbp na hindi pabor sa corrupt concept ng "reproductive health", lalo na ng mas-corrupt na ibig nilang sabihin sa "reproductive rights". Dapat ding malaman na ang USA (Bush administration) ay laging supportive sa Holy See laban sa ganitong isyu. Sa katunayan, ang Ambassador ngayon ng USA sa Holy See ( Vatican ) ay si Mary Ann Glendon, dating professor ng Harvard, atpb. Sa katunayan din po, si Mary Ann Glendon ang dating Presidente ng Pontifical Academy of Sciences ng Holy See. At kaya nga siya binigyan ng ganitong posisyon sa Vatican kahit isa siyang babae ay sapagkat siya ang namuno sa Holy See Delegation noong 1995 sa Beijing para ipaglaban ang mga kababaihan. At si Mrs. Glendon ang naging utak kung bakit nabigo ang mga pro-RH bill na country delegations at NGOs gaya ng International Planned Parenthood, Catholics for "Free Choice" at iba pa na mai-adopt ang extreme interpretation ng reproductive health doon sa Beijing, ganon din sa Cairo at sa iba't-iba pang resolutions sa New York at sa Geneva. Dapat ring malaman na kung bumoto man ang ibang bansa sa mga resolutions, gaya ng Holy See, bumuboto sila "with reservation". Ibig sabihin, bumoto po sila sa several pages na resolution o declaration in the spirit of compromise, pero lagi nilang nililinaw bago magbotohan o pagkatapos ng botohan na hindi sila pabor sa ibig sabihing ipakahulugan ng like-minded countries tungkol sa "reproductive health" na nagsusulong ng promosyon ng contraception at abortion. Syanga naman.

***

Pusa na nainggit sa daga. Dumako po tayo sa Banal na Kasulatan. Upang mareporma ni Kristo ang kapalaluan (self-righteousness) ng mga eskriba at pariseo, ikinuwento niya yaong pagkagalit ng maiinggiting trabahador na nagsimulang magtrabaho simula nang 6am (Mt.20:1-6). Sinabi ng 6am worker na hindi makatarungan ang may ari ng ubasan dahil ang nagtrabaho noong 5pm ay tumanggap din ng isang denaryo, kagaya niya na nagtrabaho nang mas-matagal sa ilalim ng pumipitik na init ng araw. Pero sinabi sa kanya ng may ari ng ubasan na wala siyang sinirang kasunduan (breach of contract). Sa katunayan, bago nagpunta ang mga trabahador sa ubasan, pumayag sila sa kanya na ang sweldo nilang tatanggapin ay isang denaryo lamang. Sa tingin ko, sagad na sa buto ang pagka-inggitero ng 6am worker. Bakit? Kasi, kinainggitan niya pati ang taong hindi dapat kainggitan, gaya ng payatot na 5pm labourer na kaya nga walang kumuha sa kanya. Papatay-patay na, kinainggitan pa.

Kainaman na! Para siyang pusa na nainggit sa daga. Syanga naman.

***

Ang ikatlong anak. Tungkol sa isa pang talinhaga laban sa mga eskriba at pariseo (Mt. 21:28-32), mas-magaling pa daw yaong panganay na anak. Bagama't sininghalan niya ang kanyang ama at nagsabi na hindi siya pupunta sa ubasan, nagbago naman siya ng isip at sinunod ang pakiusap ng kanyang ama. Di raw katulad ng anak na nagsabi ng "yes", subalit hindi naman isinakatuparan ang kanyang pangako. Heto naman ang pangaral ni Padre Bel San Luis, svd, sa TV Mass: Parehong may depekto ang dalawang magkapatid kaya iniri-rekomenda na lang niya na ang gayahin natin ay ang "ikatlong anak". Siya yaong bukod sa nagsabi ng "yes" ay pinangatawanan pa ang kanyang pangako. Ang inimbento ni Padre San Luis na "ikatlong anak" ay gaya ng imbento ko ring kasabihan: Kung "Action speaks louder than words" ang imbento ko namang kasabihan ay ito: "Words with action speak the loudest." Di ba? Syanga naman.

***

Ang modernong pariseo. Nang panahon ni Jesus medyo iba ang depekto ng mga pariseo: Hindi nila ginagawa ang kanilang ipinapangaral. Iyan ang lumang pariseo. Ngayong malapit na ang 2009, meron nang modernong pariseo. Sila yaong mga magaling mangaral subalit hindi naman pinaniniwalaan ang kanilang mga ipinapangaral. Syanga naman.

***

Ang kabarkada ng kasalanan. Kalimitan, ang kasalanan ay may kasunod na kaparusahan. Bakit? Kasi ang kasalanan ay hindi lang pagsuway sa isang batas. Ang kasalanan ay pagsira din o violation ng kalikasan (nature) ng tao bilang kawangis ng Diyos. Ang bisyo ay may kakabit o kasunod nang "kaparusahan". Halimbawa na lang, kung ang kinakape mo sa umaga ay lapad o cuatro cantos, asahan mong nakangiti na sa iyo si Kamatayan. Kung kinakalbo mo ang mga bundok at gubat, at kung pinababayaan ang mga dagat at ilog, babalikwasan ka ng mga ito dahil nawawala ang equilibrium at balance ng kalikasan. Ganito rin ang iyong tricycle o kotse. Aalagaan ka nito kung aalagaan mo rin siya. Hindi ka niya ititirik. Kaya nga, dahil sa pinaglaruan ng Europa ang kalikasan sa porma ng reproductive health, irreversible na ngayon ang pagbulusok ng populasyon lalo na sa Espanya at Italya. Bakit? Dahil ang kabarkada ng reproductive health ay ang contraceptive mentality, ang abortion at divorce mentality. Syanga naman.

***

Kung ikaw ay may pautang na magaling. Nang magsimula nang bumaba sina Jesus mula Galilea patungong Jerusalem upang harapin ang kamatayan sa Bundok ng Kalbaryo, nagalit sina Pedro at Juan sa mga taga-Samaria. Marahil, sa tindi ng galit sa mga tulisan na taga-Samaria, natukso sina Juan na dasalin sa Diyos na paulanan ng apoy ang Samaria . Sinumbatan na lang sila ni Jesus at sinabing hindi nila nalalaman ang kanilang sinasabi. Dahil sa pagiging considerate ni Jesus sa mga Samaritano, alam ba ninyo ang naging kapalit? Ang mga Samaritano mismo ang naging takbuhan ng mga Kristiyano nang ang huli ay inusig doon sa Jerusalem . Totoo nga ang sinasabi ni Santa Teresita na "ang tanging bunga ng pag-ibig ay pag-ibig rin." Syanga naman.

***

Pulpito sa banig ng karamdaman. Sinabi ng demonyo sa Diyos na madali ang magpakabanal kung ikaw ay mayaman. Kaya nga, nakipagpustahan siya sa Diyos na kung aalisan ng yaman si Job ay susumpain ni Job ang Diyos. Bilang pagsubok, ninakaw ng mga Sabeans ang mga baka ni Job at pinagpapatay pati ang mga pastol. Ganon din ang ginawa ng mga Kaldeo sa mga tupa at kamelyo ni Job. Ang matindi pa nito, tinamaan ng kidlat ang bahay ng kanyang anak, kasama ng kanyang pamilya. Samakatwid, bukod sa yaman ni Job, pati na ang kanyang kinabukasan ay kagyat na naglaho. At dumating nga sa puntos na halos bumigay na si Job. Tumangis siya at nagtanong kung bakit pa siya isinilang. Wala naman daw siyang ginawang kasalanan sa harap ng tao at ng Diyos eh kung bakit ganito raw kasidhi ang kanyang pagsubok. Ang maganda kay Job ay hindi niya narating ang puntos na laitin at kamuhian ang Diyos. Naipakita niya na kahit ang mga taong matuwid ay dumaraan sa dusa upang tumibay ang kanilang mga buto at maging larawan sila ng kagitingan para sa Diyos. Dahil dito, kahit pasyente ay pwedeng mangaral at makapaglingkod sa isang doktor at kapwa pasyente sa pamamagitan ng kanyang banal na pagdadala ng krus ng karamdaman. Bukod sa proklamasyon, ito ay isa na ring uri ng aktibong paglilingkod. Syanga naman.

15th Sunday in Ordinary Time

The first reading (Isaiah 55: 10-11) reminds us again of God's love. He gives us rain and snow and won't allow them to come back to heaven until they have done their mission of fertilizing the earth and letting the plants grow.

And yet despite God's love, His graciousness does not bear corresponding fruits.

The Gospel shows why not all grains sown did not bear fruit. All depended upon the quality of earth or kind of persons who receive the Word (Matthew 13:1-9).

a. Seeds that fell along the path. (Birds came and devoured them).

b. Grain which fell on rocky ground. (They did not last long when scorched by sun because they did not have depth of soil).

c. Seeds which fell upon thorns. (The thorns grew and choked the seeds).

d. Seeds which fell on good soil.

If I may add another idea to the Gospel of St. Matthew, I believe one reason why the Word of God does not bear fruit = we, as fertile ground, play more host as recipient of "junk words/values" more than as a fertile soil for the Word of God. For instance, with the reading materials that we absorb or with the movie and tv programs that we appreciate, we allow the secularistic culture to dominate our values.

Nowadays, we find it difficult to convince our kids to take in nutritious foods. They prefer junk foods. Spiritually, we are no better. Unknowingly we are enslaved by "junk values".

To remain fertile as soil and host of God's Word we may be helped by the following thoughts:

a. being holy is like taking a bath. We take a bath despite the knowledge that we shall be soiled and unclean after the day's end.

b. "Taking a bath" is not only for our good but for the good of others. (Just imagine the doctor resuscitating the dying patient at the ICU is someone who has not taken his bath for weeks and has not even brushed his teeth for weeks. Perhaps the agonizing patient at that point the ICU would rather cry out for sudden death than bear the purgatory of that doctor's body odor. Ha ha ha ha ha. Sorry, my dear Doctors, I know this kind of doctor would never exist. I just wanted to bring across the idea that making ourselves clean is not only for our own good but for the welfare of others).

And for those friends among you who are at the point of giving up their being generous, forgiving and just, you might be helped by my experience in the seminary how we can help each other remain a good soil:

- When the seminary in Lucena was just new as a regional house of formation, there was a tendency in the academic field to entertain unhealthy competition. To solve it, our class introduced a kind of "intellectual cooperative". It was agreed among us that each month every student in the class would be asked to summarize one or two philosophical-theological books. Then each would be asked to report the summary to the group and then give light to some doubts and pertinent questions. It was such a successful experience that we "read" 30 books each month. To top it all, we were able to defeat the unhealthy competition. We started early in learning that the things we know should be shared because after all we are in the same Church. We should not pit ourselves against each other as competitors as some disciples did when they tried to set Paul against Apollos or Christ against John the Baptist. (Christ did have to explain to the disciples that "he is not against Me is for us".)

- In the Church, other than financial and intellectual cooperatives, we need "spiritual cooperatives" (e.g., Church organizations, lay ministers, Couples for Christ, BLD, Legion of Mary, social action organizations, choir services, etc). We find many of them as sincere disciples of Christ.

- Of course, the best spiritual cooperative to start with would be our own families.

- However, I don't think it is necessary for me to preach to you, Filipinos, about loving your families. We already are outstanding family lovers. I believe what I should preach rather is about the danger of loving our families too much at the expense of other families who are under our care as holders of public trust in the government. In the Philippines , if I may say so, the root of graft and corruption is in loving our individual families too much at the expense of the greater family of God.

To summarize, to remain a "good soil" let us "take a (spiritual) bath everyday". This is not only for our own good but for the salvation of all. Secondly, let us support the spiritual cooperatives. They are a foundation of our hope for progress.

This is a big challenge. But the second reading assures us: "I consider that the sufferings of this present time are not worth comparing with the glory that is to be revealed to us … " (Romans 8:18-23).

Syanga Naman, May 2008

Kakaiba at bukod-tanging "paboritismo". Akala ba ninyo ay tinawag ni Yahweh si Abraham dahil siya ang pinakamagaling sa lahat ng tao sa daigdig o dahil paborito siya ng Diyos? Sa tingin ko, ang tanging dahilan kaya napili si Abraham ay dahil ginagawa siyang daan ni Yahweh para mabendisyunan at mailigtas ang sangkatauhan. Sa kanyang lahi mag-uugat ang Tagapagligtas, ang bagong Adan. Ganyan din ang dahilan kung bakit napili ang Israel bilang Bayan ng Diyos. Kapag pumipili ang Diyos, hindi ito para sa kapakanan lang ng tinawag at pinili kundi para maipamahagi ng Diyos sa pamamagitan nila ang walang hanggan at walang umay niyang pagmamahal. Dahil dito, ang bokasyon ay biyaya o regalo. Pero hindi ito isang ari-ariang personal (personal property). Syanga naman.
Ang "orig" na Nobena. Minsan ay nilapitan ako ng isang butihing manang na wari ko ba'y litung-lito. Itinanong niya kung bakit sa kanyang parokya ay may nobena para sa Pagbaba ng Espiritu Santo (Pentecost). Ang alam daw niya ay para lang sa mga Santo at sa Mahal na Birhen ang nobena. Nagliwanag ang mga mata niya nang sagutin ko siya na sa katunayan iyon nga mismong paghihintay sa Espiritu Santo ang unang nobena. Nang muling mabuhay ang Panginoon, pinagbilinan niya si Maria Magdalena na sabihin sa mga Alagad na manatili sa Jerusalem para manalangin at maghintay. Ang paghihintay ng mga Alagad doon sa pinagdausan ng Huling Hapunan (senakulo) kasama ang Mahal na Birheng Maria ang kauna-unahang nobena. Iyon din ang dahilan kung bakit sa ibang bansa, idinadaos ang Pag-Akyat ni Jesus sa langit sa araw ng Hwebes. May pagitan itong siyam na araw, bilang ng nobenaryo, bago dumatal ang Pagbaba ng Espiritu Santo. Tapos, idinagdag ko sa paliwanag sa butihing manang na dapat ituwid natin ang medyo napalihis nating diwa kung bakit tayo nagnonobena. Kasi, sa orihinal na nobena, pinapaghintay ni Jesus ang mga Alagad sa Tagapatnubay (Espiritu Santo) hindi sa materyal na swerte. Pinapagdasal niya sila upang lukuban sila ng kapayapaan, ng ibayong mapagmahal na kagitingan, ng Easter Joy, ng kakayanang maunawaan ang kalooban ng Diyos, atbp. Syanga Naman.
Night market sa Lipa. Maganda itong karanasan namin dito sa Lipa tungkol sa night market. Para mabigyan ng pagkakataon ang mga walang pwesto sa palengke na makapagtinda ng mga kakanin, gulay, pang-ulam, minatamis at prutas, pinahintulutan sila ni Mayor Gozos na makapagtinda sa gitna ng P.Torres St. Malapit ito sa palengke at malapit din sa Cathedral. Dahil dito, ang mga galing opisina o mga college students na walang oras makapagluluto ay doon na mismo namimili ng mga murang hapunan na native na native. Ginagawa ito gabi-gabi at lagi itong dinudumog ng mga tao. Parang night market ng Hong Kong ang dating. Kawawa nga lang ang mga tindera at tindero kapag napapagtripan sila ng malakas na ulan. Pero super at da bes ang night market lalo na noong Simbang Gabi. Kung sa McDo at iba pang fastfoods ay masaya ang pinoy dahil nakakain na sila nang mura na feeling rich pa sila, dito naman sa night market ay masaya din ang mga taga-Lipa dahil feeling busog na busog ka na, may dagdag pa itong feeling na nakatulong ka pa sa mga bayani mong kababayan na mas nanaising kumita nang pakaunti kaunti para maigapang ang kanilang mga anak. Nakatulong ka na bilang mamimili, nakamura ka pa. Syanga naman.
Napipintong tag-ulan. Ngayong halos nasa kalagitnaan na muli tayo ng Mayo, darating na naman ang tag-ulan. Kapag umuulan, kahit mag-brown out ay hindi na parang nakakapugto ng hininga dahil sa init ng panahon. Alam nyo, miss na miss ko na ang tag-ulan. Noong ako ay nasa abroad, marami akong naaala-ala kapag umuulan, lalo na tungkol sa elementary schooldays ko: miss ko yung tunog ng malakas na ulan sa aming bubong na yero nang hindi pa uso ang kisame; miss ko yung sarap mamaluktot sa banig kung rumaragasa ang bisitang ulan sa gabi; yung sarap maglaro sa ulan, magtampisaw sa baha kung dumarating naman ito kung araw; yung bagsak ng ulan sa tuktok ng aming ulo kapag tumatapat kami noon sa alulod; yung pamamahaw kahit ng kanin lang at asukal pagkatapos makapag-enjoy sa biyaya ni Brother Ulan. Ngayong malapit na akong mag-53, at andito na ako sa RP, merong kakaiba namang "ulan" akong namimiss: ang "pag-ulan" ng mga lingkod-bayan at mga mamamayan na nagmamalasakit at nagsasabi at gumagawa ng totoo. Syanga naman.
Alamat ng GDP. Balik tayo sa pangangarap ko sa mga tunay na lingkod bayan: Tulad niyan, malimit kong mapakinggan yung argumento na "hindi talaga tayo naghihirap sa RP dahil nitong nakaraang 2007 ay nakamtan natin ang 7.3 per cent growth ng ating GDP (Gross Domestic Product)." Sa isinulat ni dating Ambassador Roy Seneres sa Inquirer, 12 May 2008, ang GDP, sa simpleng pananalita ayon sa kanya, ay ang dami ng goods at services na binili at napakinabangan natin dito sa ating bansa. Mula ito sa sabon hanggang appliances at luxuries na nabili natin. Mula ito sa services mula LRT hanggang call centers, etc.
Papaano bang hindi lalaki ang ating GDP eh nag-national election tayo nang Mayo at nag-barangay election tayo noong Disyembre 2007, pagpapatuloy ni Amb. Seneres. Bilangin na lamang nyo ang mga kandidatong senador, congressmen, governors, mayors, barangay chairmen, etc. na nangailangang bumili ng mga regalo para sa matinding pangangailangan ng kanilang minamahal na mga supporters. Bukod pa ito sa dami ng pinamili ng mga pamilya ng ating mga bayaning OFWs na nagsu-supply sa ating bansa ng $18 billion. At syempre namili rin ang mga kagawad ng mga militar at mga empleyado ng pamahalaan na nagsikap nang husay na sa accounting ay walang bahaging bubukol. Pero ang problema, ang lahat ng kagastusang ito para sa goods at services ay hindi yaong mga industriya at investments na sustainable na magbibigay ng employment sa dami ng ating mga jobless na tapos ng college na halos isang kahig isang tuka na rin. At mas kawawa yung mga hindi nagtapos at walang koneksyon. "Tatlong kahig na sila, wala pa ring matuka". Sana umulan ng 7.3 per cent growth ng GDP na dumadaloy lalo na sa mga kababayan nating pilit na nagsisikap. Syanga naman.
Mapalad na magtitinda ng sampaguita. Kahit noong Abril pa ay marami nang batang nagbabakasyon ang nagtitinda ng sampaguita dito sa may simbahan. Isang araw, sinubukan ko silang kausapin. Tinuruan ko sila ng isang trick para mabilhan sila ng mga tao. Sabi ko, "Kahit alas dos na ng hapon at nag-aalok kayo sa mga dumadaan sa patio ng simbahan, sabihin ninyo na 'Bossing/Miss, bili na naman po kayo. Bwena mano po lang ito. Sige na naman po'." Alam po ninyo ginimbal po ako ng batang si Pedro, isa sa apat na magsasampaguita na kaharap ko noon. Sinabi niya na may halong lungkot na hindi niya ito magagawa dahil isa itong pagsisinungaling. Napaisip ako. Medyo napahiya rin. Tama nga pala yung sabi ng Panginoong Jesukristo na "mapapalad ang mga bata". Syanga naman.

Trinity Sunday

The Filipinos, by trait, are close to the Blessed Trinity because they usually do the sign of the Cross (pacman, before exhibiting his "pambansang kamao"; basketball players before entering the hardcourt; some filipinos before leaving the house or before long driving). This is a good sign. We need to purify it, though. Let's do the sign of the Cross not just to call for good luck (pasukin ng swerte) but in order to accomplish God's mission.
The Blessed Trinity = the reality of three Persons experienced in God's three different ways of showing his saving love. (Tertullian of the 2nd century is generally acknowledged the first to use the term "trinity" and to apply it to God. The Trinity was not defined until the great church councils of the 4th and 5th centuries).
Today, rather than getting ourselves tied up in theological knots, we would do far better by understanding prayerfully the beautiful Scripture readings of today's Mass. Here there are no complicated theological explanations or speculations. The emphasis is not on what (is the trinity), or why (do we have to have the trinity), but, in very practical language, on the tangible way the persons in the Trinity relate to us.
Today's first reading, Ex.34, represents the fulfillment of God's earlier promise. Present to Moses and symbolized by the cloud (v.5) Yahweh renewed with his people the relationship the Israelites had broken by their infidelity. (Thus, the first reading reminds us about the Father's enduring love).
In the second reading, 2 Cor 13:11-13, Paul called the converts from Judaism as false apostles. Why? Because they proudly and incorrigibly tell that Christian proclamation is merely a renewal of the true Jewish religion. Thus in order to promote Mosaic Law they emphasized Jesus as "wonderworker" while downplaying the passion and cross as revelation of the Father's love. Because of the disunity that their teachings had created Paul exhorted them (Greek and Jewish converts) to unite after the model of the Father, Son and Holy Spirit. (Thus the 2nd reading reminds us about God the Father's love through the Son's passion and death).
In the Gospel, Jn 3:16-18, no greater love story has ever been written than that which Jesus told Nicodemus that night when they were talking concerning rebirth unto eternal life through water and the Spirit: "God (the Father) so loved the world that he gave his only Son." Martin Luther called this verse as the "gospel in miniature" because it proclaims in but a few words the incredible dimension of God's love as well as the salvific effect of that love in the course of human history.
Challenge: Do the sign of the Cross to accomplish God's mission (not just to call for good luck).
  1. Learn from the Trinity, the greatest school of relationships (Cantalamessa). To help us do this, for example, the Archdiocese has proposed a three-year preparation towards its centennial in 2010 dedicating each year to one Person of the Trinity. And now we are in the 2nd year of preparation calling 2008 as the Year of the Holy Spirit/Mary.
  2. If our life is to mirror the life of the Trinity, Paul advises us to live in unity + making ourselves instruments of doing God's will. "May the grace of the Lord Jesus Christ and the love of God and the fellowship of the HS be with your all." (Unity = achieved thru incarnating this blessing).
  3. Let our person be a catechesis of the love of God just as this Cathedral's arts are a catechesis. Let us not be land mines or booby traps that prevent other family members from trusting in the love of God.